
Inilibing na kahapon(lingo JULY 17) sa Garden of Peace sa Sta.Cruz Laguna ang mag iinang sina Dolor, Kent(14) at Arvie(9) mga biktima sa Lumban Massacre.
Matatandaang Hulyo 11 ng umaga ng matagpuan ang mag iinang Orante na naliligo sa kanilang sariling mga dugo dahil sa mga saksak at taga sa ulo sa ibat ibang bahagi ng katawan. At makalipas ang ilang oras ay nahuli si Alex Valenzuela ang suspek sa karumaldumal na pagpaslang
Bagamat humihingi ng tawad sa pamilya orlante ang salarin tungkol sa kaniyang nagawa, hindi ito tinanggap ng pamilya lalo na ni Randy (asawa), aniya mahirap makalimutan ang nangyari sa kaniyang mag iina at itoy kaniyang dadalhin hanggang sa kabilang buhay
Mahigit isang daan ang mga nakiramay sa pamilya Orante hanggang sa paghahatid sa huling hantungan nila Dolor, Kent at Arvie. – SG COLBY


RELATED ARTICLE: MASAKER SA LAGUNA, 3 PATAY
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 18 July 2011 04:46