Sabado alas 3:45 ng hapon ng makatanggap ng tawag ang Bureau of Fire Protection ng Calamba kaugnay sa nagaganap na sunog sa Purok 6 Camp Vicente Lim, Barangay Mayapa.
Sa inisyal na imbestigasyon sinabi ni Major Gerandi Agonos na 5 tindahan at isang Barber Shop ang mabilis na nilamon ng apoy dahil sa electrical faulty wiring na nagmula sa tindahan ni Maluo Sanggalang, isang aspeto rin umano ang malakas na hangin at matinding sikat ng araw kaya agad na nadamay ang iba pang mga tindahang kalapit nito
Tinatayang nasa 5 milyong pisong halaga ng mga ari arian ang kasamang naabo sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Naideklarang fire control ang apoy makalipas ang 45 minuto-SG COLBY



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 18 July 2011 04:05