Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PILIPINAS, IKA-12 SA PINAKAMALAKING POPULASYON SA MUNDO

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Sa pagkakaroon ng mahigit siyamnapu’t apat na milyong tao ng Pilipinas, tayo na ngayon ang panglabindalawa sa may pinakamalaking populasyon sa mundo.  Ito ay base sa nilabas na report ng United Nations Population Fund (UNPF). Tinatayang mahigit pitong bilyong tao na ngayon ang naninirahan sa buong mundo.  Sa kabila ng paglobo ng mahigit isang bilyon ng populasyon mula noong 1999, positibo pa rin itong tinitingnan ni United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon.


“Later this year, a seven billion baby will be born into our world of complexity and contradiction. We have enough food for everyone, yet nearly a billion go hungry. We have the means to eradicate many diseases, yet they continue to spread. We have the gift of a rich natural environment, yet it remains subjected to daily assault and exploitation. All people of conscience dream of peace, yet too much world is in conflict and steeped in armaments,” ani Moon.


Binigyang kahulugan ng UNPF ang pitong bilyong tao bilang pitong bilyong aksyon para magkaroon ng mas magandang mundo.  Sinabi rin ni Moon na dapat yakapin ng ng mga tao ang pag-asa, pagkakapantay-pantay at hustisya laban sa tiranya.  Sinamantala naman ni Iloilo Rep. Janette Garin ang paghingi sa madaliang pagpasa ng Reproductive Health Bill.  Sinabi ni Garin na magiging 100 milyon na ang populasyon sa bansa bago matapos ang taon subalit hindi handa ang pamahalaan para ibigay ang serbisyo’t pangangailangan ng mga tao.


Nagiging isyu ang paglobo ng populasyon sa Pilipinas dahil sa lumalalang kahirapan at maliit na badyet, diin ni Garin.  Ang Tsina pa rin naman ang may pinakamalaking populasyon sa mundo na mayroong 1.3 bilyon katao, sinundan ng India na may 1.2 bilyon, Estados Unidos na may 311 milyon, Indonesia na mayroong 237 milyon at Brazil na mayroong 190 milyon.---Matt Palentinos

kids2

Photo:definitelyfilipino.com


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Friday, 15 July 2011 07:23

Add comment


Security code
Refresh