Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

YOUTH GROUP, PINAALALANG MAGPAREHISTRO NANG MAAGA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Ipinaalala ng Kapayapaan Youth Organization (KAYO) sa mga mamamayan na magparehistro habang maaga upang makaboto.  Sinabi ng KAYO President Joanna Marie Palentinos na kailangang pangalagaan ng mga kabataan ang karapatan nila upang makaboto sa pamamagitan ng pagpaparehistro.  Sinabi rin niya na kailangang pumunta ng mga nais magparehistro sa Commission on Election (COMELEC) Office habang maaga upang hindi pumila ng napakahaba kapag malapit na ang deadline.

 

Ayon naman sa COMELEC en banc Resolution 9149, noon pang Abril 1, 2011 nag-umpisa ang pagpaparehistro at validation ng registration records at magpapatuloy ito hanggang Oktubre 31, 2012.  Ang aplikasyon ay tatanggapin sa COMELEC Office mula Lunes hanggang Sabado, kasama pati holidays, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Ang magiging pahinga lamang ng COMELEC ay sa Disyembre 22 hanggang Enero 3.  Inaasahan rin ang pagkakaroon ng mga satellite offices sa iba’t ibang baranggay, kasama pati mga bilanggo sa mga kulungan.  Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, maaaring magparehistro ang sinumang Pilipino na 18 taong gulang at isang taong nakatira sa lugar kung saan nais niyang bumoto, anim na buwan matapos ang eleksyon.

 

Kailangan lamang magdala ng anumang valid ID. Ang Sedula at Baranggay Certificate ay hindi tatanggapin ng COMELEC bilang valid ID.  Sa July 18-23 naman, idineklara ng COMELEC ang buong linggo para sa pagpaparehistro ng mga PWD o Persons With Disability.---Matt Palentinos

youth

photo: electionpinoy.blogspot.com

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Friday, 15 July 2011 07:03

Add comment


Security code
Refresh