Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

DISCOUNT SA MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE, IPINASA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

philippine-congress-2

yesfm.com.ph

Ipinasa sa mababang kapulungan ang pagbibigay ng discount sa mga mahihirap na estudyante sa mga post-secondary at college students.

Sa pagpasa ng House Bill 4373 o Underprivileged Post-Secondary and Tertiary Students’ Discount Act of 2011, mabibigyan ng limang porsyentong discount sa matrikula, miscellaneous expense at iba pang school fees ang mabibiyayaan na mga estudyante.

May limang porsyentong discount rin sa snacks at meals, food establishments, gamot, school supplies at mga libro.

Sinabi ng principal author ng panukala na si Marikina 1st District Rep. Marcelino Teodoro na dapat protektahan ng estado ang pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo.

Kailangan ng gobyerno na magkaroon ng mga student loan programs, subsidies at iba pang mga incentive sa mga mahihirap nating kababayan, mapapampubliko man o pribadong paaralan. Ang pangunahing adhikain ng panukalang batas ay mabawasan ang gastusin ng mga mahihirap na estudyante sa kolehiyo, ani Teodoro.

Mapapasama ang mga college students, kung saan ang kanilang mga magulang ay kumikita lamang ng kulang P100,000. Ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang titingin kung kuwalipikado ang magiging benepisyaryo sa nasabing programa.

Matitigil ang discount kapag ang isang estudyante at bumagsak ng isang semestre, hindi makatapos ng kurso sa loob ng dalawang taon, tumigil mag-aral ng isang buong semestre o ma-convict sa isang krimen.

Sina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, Northern Samar 2nd District Rep. Emil Ong, Surigao del Sur 2nd District Rep. Philip Pichay at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ay ang mga co-author ng nasabing panukalang batas.--Matt Palentinos



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Wednesday, 13 July 2011 07:11

Add comment


Security code
Refresh