Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SINO KA BA RIZAL SYMPOSIUM, DADALHIN SA CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

10rizal

Dadalhin sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Laguna ang Sino ka ba Jose Rizal Symposium bilang pag-alala sa ika-150 kaarawan ni Dr. Jose Rizal at isa sa mapalad na pupuntahan nila ay ang Lungsod ng Calamba.

Sa pangunguna ni Youth Development Affairs (YDA) Head Fatima Eleonor A. Villaseñor at ng kaniyang opisina, ipapakita sa gaganaping mga symposium ang buhay at mga ginawa ng ating pambansang bayani.

Ipapakita rin ang mga turo at aral ni Rizal, partikular sa kabataan na sinabi niyang mga pag-asa ng bayan.

Uumpisahan sa Cultural Center of Laguna sa Sta. Cruz ang serye ng symposium na mangyayari sa darating na Hulyo 22.

Susundan ito ng symposium sa mga Lungsod ng Calamba at San Pablo sa Setyembre, Lungsod ng Biñan at Bayan ng San Pedro sa Oktubre at Bayan ng Siniloan sa Nobyembre.

Ang mga tatalakaying paksa ay “Ang Globilisadong Sekswalidad Noon at Ngayon: Mga Pag-big at Pakikiniig ni Rizal” at “komeRIZALismo (Kinomersyal na Rizal at Nasyonalismong Filipino)” kung saan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at University of the Philippines-Los Baños ang mga tagapagsalita.--Matt Palentinos



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh