CALAMBA CITY LAGUNA-----SA tagal ng panahon at halos isang taon na ang nakakaraan, umaksiyon din ang Commission On Election (COMELEC), para muling magsagawa ng pagbibilang sa mga boto, mula sa PICOS Machine para sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Laguna.
Ipinag-utos ni COMELEC Presiding Commissioner Lucenito Tagle, na bumuo ng Sampung recounting committees, na siyang mangangasiwa at mangunguna sa muling pagbibilang sa mga boto, sa mga balotang may protesta si Laguna Gobernatorial Candidate Dennis S. Lazaro.
Si DSL na kumandidatong Laguna Governor ay naghain ng protesta sa tanggapan ng COMELEC dahilan sa pagkapanalo ng kanyang katunggali na si Emilio Ramon Ejercito Estregan Jr., dahil mayroon umanong hindi kapani-paniwalang outcome ng mga boto sa ilang lugar, lalo na sa lugar ng Una at ikalawang distrito ng Laguna. Upang mapatunayan ay minabuting maghain ni DSL ng Protesta sa COMELEC, nang mabatid ang katotohanan ng pagka-panalo ni Ejercito laban sa kanya.
Kung matatapos ang recount o muling pagbilang ng mga balotang kaduda-duda ay malalaman ang talagang nanalo sa pagka-Gobernador sa nabanggit na Lalawigan. Sa kabilang dako, ay nakatakda namang dinggin ng korte ang demandang inihain naman ni dating Laguna Governor Teresita "Ningning" Lazaro, laban pa rin kay kasalukuyang Laguna Governor E. R. dahil naman sa umanoy paninirang puri, laban sa kanya at sa pamilya nito na inihain sa tanggapan ng Ombudsman sa Calamba City Laguna. // Arlene P. Mariposque

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 13 July 2011 05:16
Comments
RSS feed for comments to this post