| Kamakailan, ika-5 ng Hulyo, 2011 sa Calamba City ay isinagawa ang “Takbo sa Karunungan” at parada para sa “Adopt a Child Program, nainorganisa at pinamunuan ng mga opisyal ng Kagawaran Edukasyon dito sa Lungsod ng Calamba sa pamumuno ni Dr. Myrna Pamplona, City Schools Division Superintendent and Supervisors. Nagtipon ang lahat ng boluntaryong sumama sa Old City Plaza sa pagsisimula ng parada; naging masaya at makulay ang nasabing programa sa “Fun Run” na isinagawa kaalinsabay ng parade, na sinamahan ng iba’t-ibang sangay ng paaralan ng lungsod. |
Nanguna si Harvey Unico ng Punta National High School at Christian Ticson na nanguna sa tapusan para sa Takbo ng Karunungan. Kasama din sa tumapos sa nasabing fun run si Konsehal Christian “Nino” Lajara, na suportado ang nasabing programa; kaalinsabay ng pagtatapos sa takbuhan ang pagbibigay ng mga donasyon para sa kapakanan ng mga piling mag-aaral ng lungsod na nangangailangan ng tulong para sa uniporme, mga kagamitan at iba pa.
Ang nasabing programa ay sinuportahan ng Pamahalaan at Sangguniang lungsod ng Calamba, mga kawani at mag-aaral ng iba’t-ibang paaralan ng lungsod, kapulisan, mga Pinuno ng Barangay at kasamahan, mga sibikong samahan at iba pa.
Layunin ng isinagawang proyekto na maitaas ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral at maisulong ang pag-kakaisa ng bawat samahan ditto sa lungsod ng Calamba para sa tagumpay at mabuting adhikain. Tunay kang ang “mga guro” ang silbing tanglaw natin sa magandang buhay.NDS-PIA4A// Arlene P. Mariposque
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph