LUMBAN LAGUNA- ISANG Ginang at dalawa nitong anak na lalaki ang MINASAKER sa loob mismo ng tahana nito sa bayan ng Lumban, Laguna, kahapon ng umaga (Lunes).
Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Sr. Supt. Gilbet Cruz, ang mga biktima na sina; Dolor Olarte, at ang dalawa anitong anak na lalaki na sina; Kemp, 13 taong gulang at Arvie, 9 na taong gulang.
Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Victor Peña, na ang mga bangkay ay natagpuan dakong ika-10:30 ng umaga, sa ibaba ng dalawang palapag na tahanan ng mga biktima sa Barangay Segunada Pulo, Lumban, Laguna. Ang mga biktima ay nagtamo ng mga taga sa katawan. at ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, maari umanong naganap ang pag-masaker sa pagitan ng ika-2 hanggang ika-4 ng Umaga nitong Lunes (July 11, 2011).
Pinaghahanap na ng pulisya si Boy Alex Pereja, 18 hanggang 19 na taong gulang, na tumakas matapos maganap ang nasabing insidente. Sinabi naman ni Police Chief Inspector Jaylet Castillo, Hepe ng pulisya sa umban laguna, na posible aniyang pagnanakaw ang pangunahing motibo ng suspek. // Arlene P. Mariposque

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Monday, 11 July 2011 14:45