Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SESYONISTA: PAGSILIP SA SESYON NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD- 3/15/2010

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

sesyonista

 

Ilang araw na lang at patapos na ang sesyon sa Sangguniang Panlungsod ng Calamba ngunit kasing init ng panahon ang isyung pinag-uusapan dito.  Mainit ang isyu patungkol sa pagsisiwalat ni Konsehal Christian Niño Lajara ng mga anomalya sa inilabas ng Commission on Audit na 2008 Annual Audit Report ng Calamba City. Ipinunto niya ang milyun-milyong piso na nawawala, mga discrepancy sa accounts, at hindi mabalanseng libro ng syudad.  Pinatungkulan niya ang Accounting Office na pinamumunuan ng City Accountant na si Carminia Espiridion sa kung bakit hindi nito mapaliwanag sa mahigit isang taon ang mga problema sa salapi at kaban ng ating lungsod.

Noong Huwebes ay nag-file na ng kaso sa Ombudsman si Konsehal Niño laban kay Carmina Espiridion.  Kaninang umaga ay sinagot ni Konsehala Dyan Espiridion, anak ni City Accountant Carminia Espiridion, ang ilan sa mga punto na inilabas ni Konsehal Niño Lajara. Mariin niyang sinabi na may bahid pulitika ang ginawang ito ni Konsehal Niño.  Sinabi niya rin na huwag dapat masyadong pag-initan ang Accounting Office dahil maraming iba pang opisina ang dapat din managot dito. Pinatotohanan niya rin ang pahayag ni Kon. Niño tungkol sa bagsak na grado na nakuha sa Aptitude Test ng mga high school students sa Calamba sa buong Calabarzon Region sa kabila na tayo ang may pinakamalaking badyet para sa edukasyon sa buong rehiyon.  Sinabi niya na hindi dapat isisi sa pamahalaan lamang ang nagging resulta ng Aptitude test na ito. Bagkus, ito ay nakaatang na daw sa mismong estudyante at sa kinamulatan nitong kapaligiran.  Tinukoy niya rin partikular ang Mayor’s Office at DepEd Office na dapat ding managot tungkol sa edukasyon. Ilang beses rin niyang ipinukol kay Konsehal Niño ang tungkol sa kinamulatan nitong pulitika, linyang trapong pamumulitika at iba pang atakeng suhetibo.  Sinagot naman agad ito ni Konsehal Niño sa sesyon. Sinabi niya na dapat hindi agad depensahan ni Konsehala Dyan ang Accounting Office dahil hindi pa nauumpisahan ng Sangguniang Panlungsod ang pagtalakay at pag-iimbestiga dito. Maaring natural ang pagkabig niya dito dahil nanay niya ang inaakusahan subalit hindi dapat ganoon dahil isyu ng taumbayan ito. Mariin niyang sinabi ang account and balance na dapat gawin ng mga nasa posisyon o ang doktrina ng separasyon ng isang sangay ng gobyerno sa iba pang sangay nito.
Natapos ang sesyon sa pakikipagkamay ni Konsehal Niño kay Konsehala Dyan sa kabila ng mainit na diskusyon.--Matt Palentinos

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Add comment


Security code
Refresh