Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

LALAKING NAGPANGGAP NA BISOR NG SM, ARESTADO

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

1pnp

CAMP VICENTE LIM LAGUNA-----ISANG mag-asawang negosyante na may-ari ng Rank Manpower Services Agency sa Theresa Ann Building, Unit H, sa National Highway, Barangay Parian, Calamba City Laguna ang nalinlang ng isang Lalaki noong Martes. Agad namang naaresto ang suspek na si Joey Pangilinan Catacutan, 31 taong gulang, may kinakasama, at kasalukuyang nakatira sa Southdrive, Barangay Dila, Sta. Rosa City, Laguna.

Kinilala naman ni PO2 Ernesto Reyes ang mag-asawang biktima nito na sina; Edgar Allan Pinio Carpio at Rodenia Estas carpio, pawang nasa hustong gulang,at nakatira sa Block 222 Lot 19, Phase 2, Mabuhay City, Barangay Mamatid, Cabuyao, Laguna.   Ayon sa pulisya, Nagpanggap umanong Supervisor ng SM Hypermarket sa Cubao, Quezon City ang suspek, at kinausap nito ang mag-asawa na nangangailangan ang kanilang kumpanya ng mga trabahador.


Limampung tao na magta-trabaho bilang mga Bagger, Cashier, Promodizer, Warehouseman at Office Staff sa SM Hypermart ang hanap umano ng nabanggit na kumpanya, base sa sinabi ng suspek. Nang makumpleto umano ang hinihingi na bilang ng tao ay doon na nagsimulang  humingi ng salapi sa mag-asawa at mga aplikante ang suspek na naturan. Ipapadala umano sa pamamagitan ng Smart Padala ang salapi, kasabay ng pangako nitong magsisimula sa trabaho ang mga aplikante bago dumating ang ika-5 ng Hulyo 2011.

Noong petsa Singko ng buwang ito, araw ng Martes, ang suspek ay humingi ng halagang Php1,500.00 sa mag-asawa, na sinasabing ibabayad umano sa sasakyan ng mga aplikante para dalhin sa SM Hypermart sa Cubao. Matapos na makuha ang nasabing halaga, Ang suspek ay hindi na makontak sa Cellphone number na ibinigay nito sa mag-asawa, kaya naghinala na ang mga biktima. // Arlene P. Mariposque

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 

Add comment


Security code
Refresh