Isang taon na ang nakararaan ganitong buwan din ay tumindig ang Punong lungsod ng Calamba sa harap ng Sanggunian sa Inagural Session nito. Nagbigay ito ng ulat hinggil sa kontrobersiya na kinakaharap ng kaniyang administrasyon, ang tinaguriang 26 Milyong Scam sa Calamba. Sinabi nito ang tungkol sa isang Administrative Committee na itinalaga nito upang magsagawa ng imbestigasyon katuwang ang City Legal Office.
Matatandaang buwan ng Abril ng nakaraang taon ay pumutok ang isyu ng tatlumpung cheke ng lokal na pamahalaan na nawala sa loob ng Treasury Office. Umabot sa mahigit 26 milyong piso mula sa pondo ng lokal na pamahalaan ang ninakaw sa pamamagitan diumano ng sabwatan ng ilang mga kawani ng tanggapan ng Accounting at Treasury sa ilang mga suppliers. Idinawit din sa anomalyang ito ang hepe ng mga naturang tanggapan na sina Toledo at Espiridion, pati ang ilang matataas na opisyal tulad ng bise alkade noong si Oruga at maging ang Punong lungsod Chipeco.
Nangamba naman ang ilang mga sektor ng mamamayan ng Calamba sa posibilidad na magkaroon ng white-wash sa imbestigasyon. Ito ay dahil mismong ang Punong lungsod ay idinadawit sa isyu. Buwan naman ng Agosto 2010 ang grupo nina Dr. Severino Vergara ay naghain ng kasong Graft at Malvarisation of Public Funds sa Tanggapan ng Ombudsman laban kina Mayor Chipeco, Orgua, at City Accountant Espiridion, ilang kawani ng PNB at mga sangkot na suppliers. Sa isang panayam kay Dr. Vergara ay kinuwestiyon nito ang kawalan ng kaukulang aksyon ng lokal na pamahalaan dahil sa hindi nito pag suspindi sa mga sangkot sa kontrobersiya.
Isang taon nang nakaraan, nitong araw ng Biyernes ika-8 ng Hulyo ay isang usap-usapan ang kumalat sa loob ng lungsod ng Calamba. Matapos ang isang taon, diumano ay lumabas ang isang papel na nag-sususpindi sa ilang mga personalidad na sangkot sa 26M Scam. Bagamat hindi pa lutang ang naturang dokumento ay umaaasa ang mga mapagmalasakit na mamamayan ng makasaysayang lungsod na ito, na nawa ay malinis na ang batik ng kurapsyong bumabalot sa pamamahala ng lupang sinilangan ng misyong bayaning minsan ay lumaban sa katiwalian ng mga makapangyarihan.---J. JACINTO
Related Articles:

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Sunday, 10 July 2011 08:31
Comments
RSS feed for comments to this post