![]() | STA. CRUZ, Laguna, Hulyo 4 ---Tumanggap kamakailan ng halagang P20,000 bilang pabuya mula kay Governor Jeorge E.R. Eejercito-Estregan si PO2 Eduardo de Guzman Santiago, nakatalaga sa San Pedro Laguna Municipal Police Station at miyembro ng Laguna Police Provincial Office (LPPO) sa ilalim ng pamumuno ni PNP Provincial Director, P/SSupt. Gilbert DC. Cruz. Ang pabuya ay bunga ng katapangang nagawa ni Santiago ng barilin at mapatay nito ang isang hostage taker sa Pampanga kamakailan at nagligtas sa kapahamakan ng mga pasahero ng bus na kaniyang sinasakyan. Naganap ang pangyayari habang si PO2 Santiago ay papauwi ng Bayambang, Nueva Ecija. Maliban sa ‘cash reward,’ pinagkalooban din ni PD Cruz si Santiago ng isang bagong baril na Glock 17-45 caliber pistol. CPG PIA // Arlene P. Mariposque |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Thursday, 07 July 2011 15:44