| Isang naagnas na bangkay ng lalake ang natagpuan sa isang liblib na bahagi ng Matang-Tubig, Balagbag-Araw, Canlubang, Calamba City. Hubo’t hubad ang lalake at may nakataling lubid sa leeg nito. Ayon sa mga residente ay araw pa lamang ng Biernes ay nakaka amoy na sila ng masangsang na amoy. Inakala nilang ito ay basura lamang kung kaya’t laking gulat ng mga taga Balagbag-Araw ng madiskubreng ito ay bangkay ng isang tao. Aminado naman ang Sitio Chairman Godofredo An Ciado na dahil maraming bahagi ng kanilang lugar ay liblib at masukal, madalas na nagiging tapunan ng mga biktima ng mga karumaldumal na krimen. Sa kasalukuyan ng hindi pa nakikilala ang naturang bangkay. ---SG COLBY |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 06 July 2011 07:23