marketplace.publicradio.org | Naghain ng panukala ang mga Partylist representatives upang tanggalin ang diskriminasyon ng may-asawa at wala sa mga manggagawa ng gobyerno tungkol sa paghiling ng Maternity Leave. Sa inihaing panukalang batas ay mabibigyang pagkakataon ang mga nabuntis subalit walang asawang government employees upang magkaroon ng hanggang 60 araw na maternity leave. Inihain nina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan, Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares, Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Yacap Partylist Carlo Jayne Lopez, Kabataan Partylist Mong Palatino at ACT Teachers Partlist Antonio Tinio ang nasabing bill. Sinabi ni De Jesus na dapat maging bahagi ang mga kababaihan sa pagbuo ng isang bansa subalit sa ngayon ito ay hindi pa rin pinapansin ng ilan. Malinaw na nakasaad sa konstitusyon na dapat ay walang diskriminasyon sa kababaihan sa bansa, dagdag ni De Jesus. |
Nakasaad sa Article III, Section 14 ng 1987 Constitution ang kahalagahan ng papel ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas na kondisyon sa trabaho, dagdag pa ng principal author ng bill na si De Jesus. Sinabi naman ni Ilagan na mayroon pa ring diskriminasyon sa kababaihan sa ilalim ng kasalukuyang batas. Si Ilagan ang Vice Chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality. Ayon naman kay Mariano, Vice Chairman ng House Committee on Agriculture and Food, na ang kakulungan sa probisyon sa ilalim ng GSIS Law (RA 821) ang problema sa pagkawala maternity leave benefits sa mga unmarried na buntis na empleyado ng gobyerno.
Samantala, sa RA 8282 o Social Security System Act ay walang diskriminasyon sa pagitan ng may-asawa at wala pagdating sa pagbigay ng maternity leave sa pribadong sektor. Ilan sa kondisyon upang magkaroon ng maternity leave ang tatlong buwan na kontribusyon sa GSIS bago manganak ang babae at pagpapaalam sa employer na siya ay buntis at ang posibleng petsa ng kapanganakan. Sinuportahan naman ng mga grupo ng kababaihan kasama ang UP Portia Sorority, Department of Women and Development Studies of the UP College of Social Work and Community Development, COURAGE at Gabriela ang panukalang batas at nanindigan na karapatan din ng mga wala pang asawang empleyado ng gobyerno na magkaroon ng maternity leave---Matt Palentinos
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 06 July 2011 05:09