Nitong nakaraang buwan, isang positibong balita ang inilabas ng United Nations Special Rapporteur on the Promotion and Protection of the Right to Freedom of Opinion and Expression sa pangunguna ni Frank La Rue. Ito ay ang pagdeklara sa pag-access sa internet bilang isang karapatang pantao. Ito ay matapos magpasa ang ilang bansa sa Europe na naglilimita at humaharang sa pagkakataong mag-internet ng ilan nilang mamamayan. Kasabay ng pagdeklara nito ay ang balita sa hindi pagkakaroon ng access ng bansang Syria sa internet dahil sa mga nangyayaring pampulitikang kaguluhan sa lugar.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng UN upang protektahan ang karapatan natin upang ipahayag ang sarili sa panahon ng mga social networking at blogging sites. Pinuri ni Kabataan Partylist Representative Raymond “Mong” Palatino ang ginawang ito ng UN. Isa si Palatino sa nangunguna sa pagsusulong ng paggamit sa internet upang palakasin ang pagkakaisa at social progress,” Palatino said.
Pinapatunayan lang ng inilabas na report ng UN ang kampanya ng kanilang grupo na maging available sa lahat ng Pilipino ang teknolohiyang ito. Sinabi ng UN sa inilabas na report na isa sa pinakamalakas na instrumento ngayon sa pagpapataas ng transparency sa pagpapakita ng impormasyon at pagpapakita ng aktibong partisipasyon sa pagbuo ng mga demokratikng lipunan. Pinatunayan ng UN report na tunay may saysay ang inihaing Free Public Wi-Fi Bill ni Palatino. Inihain pa ito noong umpisa ng taon. Ito ay nagbibigay karapatan sa lahat na makagkaroon ng libreng access ng internet sa lahat ng mga government offices, state universities and colleges at mga pampublikong lugar gaya ng terminal ng bus, public hospital, airport, public plaza at mga parke.
Hindi malaking sakit sa bulsa ito kung gagawa ng mga pamamaraan na magkaroon ng isang government –owned internet provider sa bansa. Inutusan din ng UN na repasuhin at amyendahan ng mga bansa ang mga intellectual copyright laws nila upang hindi makasagka sa karapatan ng tao na magkaroon ng access. Sa ating bansa, hindi rin dapat alalahanin ng gobyerno bagkus ay lalu pa dapat sang-ayunan ang report ng UN. Ito ay porma ng serbisyo publiko at magpapalawak sa pagigng “may alam” ng mga mamamayan, higit lalo na ang mga kabataan. Subalit kahit lubos na ikinatuwa ito ng mahigit 30 milyong Pilipino na internet-user, dapat pa ring bantayan kung anu-anong websites ang dapat at hindi dapat puntahan ng mga tao. Sa kabila man ng pagtutol ng ilang konserbatibo para sa kabataang Pilipino, ang karapatan sa access sa internet ay isang hakbang sa malayang pagpapahayag natin.---Matt Palentinos

arcticcompass.blogspot.com
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Wednesday, 06 July 2011 05:13