Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

FISH BOTCHA MONITORING SA CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Dahil sa nakakaa-alarmang pagbebenta o pagtitinda ng mga bangus na naging resulta ng fish kill sa Batangas at Pangasinan, ang Veterinary Services Division sa ilalim ng City Veterinary Services and Slaughterhouse Management Department  ay nagsagawa ng isang biglaang inspeksyon sa Fish Section ng  pamilihang bayan ng Calamba at sa Trade Center sa Crossing.

 

Mahigit tatlumpung tindahan ang siniyasat ng mga Meat Inspector sa ilalim ng Regulatory Section.  Sa kanilang obserbasyon sa ilang nagtitinda ng bangus ay sariwa at ligtas kainin ang mga ito.  Halos lahat ng tindero at tindera ay nakipagtulungan sa pag-obserba sa kanilang mga itinitindang isda.  Ayon sa mga tindera, ang kanilang mga isda ay pawang mula sa Bulacan at hindi sa Taal/Talisay Batangas, na kung saan lahat ng fish pond ay apektado ng fish kill.


Matapos ang isinagawang inspeksyon ay masasabing ligtas ang mga isda sa Calamba.  Walang sinyales na ang isda ay mula sa fish kill o ang tinatawag nilang fish botcha.  Ayon sa Slaughterhouse Department ay patuloy nilang gagawin ang inspeksyon upang makasigurong walang makakapasok na double dead na isda o ang tinatwag nilang fish botcha sa mga pamilihang bayan ng Calamba.

fish



CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

 

DISCLAIMER

 


Last Updated on Tuesday, 05 July 2011 07:26

Add comment


Security code
Refresh