Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

RED PLATE VAN, GAMIT NG SUSPEK SA HIT & RUN

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang binatang kinilalang si Michael Clemeno matapos itong diumano ay banggain ng isang van habang sakay ng motorsiklo nito bandang 9:30 ng Sabado ng gabi.  Ayon sa mga nakasaksi, matapos na banggain ay inurungan pa ng nasabing van ang biktima pagkatapos ay kinaladkad pa.  Si Clemeno ay 25 taong-gulang, pang-pito sa walong magkakapatid na nakatira sa South Ville Subdivision Cabuyao, Laguna.

 

Natanggal at naiwan ang bumper at plaka ng nasabing van, ito ay isang Mitsubishi L300 Van na RED PLATE no. SFV-380.  Ayon kay Police Inspector Romeo Criste, pauwi na ang biktima ng salpukin ng van.  Dagdag pa nito, mabilis ang takbo ng van dahil batay sa autopsy, nagkalasog-lasog ang buto ng biktima, maga ang mukha at basag ang bungo nito.  Kasalukuyang pinaghahanap ang drayber ng naturang L300 Van. Nananawagan ang mga kaanak ng biktima sa mga may impormasyon hinggil sa kaso upang kahit papaano mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Michael.  // Arlene P. Mariposque

plate

 

 



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER


Last Updated on Tuesday, 05 July 2011 05:01

Add comment


Security code
Refresh