Isang construction worker na kinilalang si Bebot Nazareno ang isinugod sa ospital matapos itong makuryente sa ginagawa nitong bahay sa Ciudad Verde Subdivision Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa mga kasamahan ng biktima, bandang ika-tatlo ng hapon ay nakarinig sila ng malakas na pagsabog sa ikalawang palapag ng bahay na kung saan ay mag-isang nagwewelding si Nazareno. Dali-dali nilang tinungo ang ikalawang palapag at natagpuan nila ang biktima tila ito tumilapon, duguan ang ulo at walang malay. Sa tulong ng mga kapit bahay ay isinugod sa pinaka malapit na ospital ang biktima.
Sa tindi ng tinamong sunog ng biktima sa ilang bahagi ng katawan at sa pagkabagok ng ulo nito ay inilipat ito sa Philippine General Hospital. Sa kasalukuyan ay ligtas na sa panganib ang biktima.—SG Colby

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph