
| Nasa 166 ang nagtapos sa PNP Special Counter Insurgency Operation Unit o SCOUT sa ginanap na Graduation Ceremony sa Camp Vicente Lim sa Calamba Laguna. Ang mga graduates ay binubuo ng isang company ng Maritime Police at ng Cavite Public Safety Company. Ayon sa mga graduates, isa sa pinakamahirap na pagsasanay ang kanilang pinagdaanan layon na mapaigting pa ang seguridad ng mamamayan lalo na sa mga rebelde at banta ng mga terorista Ang training ay umabot ng halos tatlong buwan ang kanilang pagsasanay sa himpapawid, sa dagat at sa bundok. Mensahe naman ni Region IV-A Director PCSUPT Gil Meneses bilang Guest Speaker, na ang makabilang sa PNP SCOUT ay hindi simpleng bagay dahil kaakibat nito ang malaking responsibilidad sa seguridad at sa buhay ng taong bayan. |