Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

June 19 Picture Gallery

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 

Sa naganap na pagdiriwang ng pinahihintay na ika-150 taong kaarawan ng pambansang bayani Dr. Jose Rizal, magkahalo ang damdamin at kulay ng nasabing okasyon.  Karangalan ng lungsod ng Calamba at ng mga mamamayan dito ang pagiging tinubuang lupa ni Gat Rizal kung kaya't ang ika-19 ng Hunyo ay isang araw na karapatdapat sa pagsasaya at pagdiriwang.  Ang araw na ito ay naging makasaysayan sa Calamba dahil na rin sa pagbisita ng Pangulo ng Pilipinas at sa pagtatampok ng pinaka mataas na bantayog ng bayani.  Bagamat naging bahagi din ng makasaysayang araw na ito ang mga kilos protesta ng mga sektoral na samahan gaya ng Canlubang Coalition.  Isang mapayapang pagmamartsa ang kanilang isinagawa sa pag-asang mabigyan ng pansin ng pangulo ang kanilang mga hinaing.  Matatandaang maka ilang beses na nagprotesta ang mga magsasakang kabilang sa samahang ito dahil sa mga isyu ng agraryo at kawalan ng kuryente sa Canlubang.  Sa sektor naman ng mga kabataan ay pito naman ang dinakip ng mga pulis dahil sa lightning protest na kanilang isinagawa.  Bagamat tila naagaw ng mga protestang ito ang pansin sa talagang layon ng okasyon ng Hunyo 19, ay nagpatuloy naman ang inihandang programa katulad ng pagparada ng mga kawani ng City Hall at ng mga float ng ibat ibang mga samahan at institusyon sa loob ng lungsod ng Calamba.


img_1670

 

Last Updated on Wednesday, 29 June 2011 05:04

Add comment


Security code
Refresh