Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SUSPEK SA “RUBY ROSE BARRAMEDA CASE” HULI ng CIDG

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Napasakamay na nga ng CIDG ang suspek sa pagpatay kay  “RUBY ROSE BARRAMEDA sa pinagsanib na pwersa ng Batangas at Bataan CIDT sa pamumuno ni  Field Officers PCINSP Virgilio Rubio at PCINSP Rogarth Ocampo, sa superbisyon ni PSSUPT Edwin Jose Nemenzo PhD/CESE, REGIONAL CHIEF, 4A-RCIDU na siyang nagtalaga ng kampanya laban sa mga pinaghahanap ng  batas (OPLAN PAGTUGIS).  Sa ginawang operasyon naaresto ang  suspek noong JUNE 17, 2011 dakong 00:22AM sa Makiling St., Mountainview Village, Brgy. Mountainview, Mariveles, Bataan at nakilala ang suspek na si  LENNARD DESCALSO y ALEGADO @ SPYKE, 36 taong gulang,  dating pluis at tinuturong responde sa nangyari kay “RUBY ROSE”.

ruby-rose-jimenez

Ayon sa CIDG nagsagawa sila ng isang operasyon na kung saan ang suspek na si  LENNARD DESCALSO ay nasa Bataan kung kaya’t sa tulong ng grupo nila doon at sa mahigit isang Linggo pamamatyag sa suspek at sa bisa ng WARRANT OF ARRESTna inisyu ni  HONORABLE JUDGE HECTOR ALMEYDA ng  RTC BRANCH 170 ng  MALABON laban sa suspek ay nadakip agad ang suspek sa lugar kung saan ito nagtatago.

Ang suspek ay nasa pangangalaga ng  BATAAN CIDT OFFICE habang nag iintay pa ng court order patungong PROVINCIAL JAIL. // Arlene P. Mariposque


 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

Last Updated on Thursday, 23 June 2011 14:43

Add comment


Security code
Refresh