Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Calambeño Blog: Calamba City Basketball Team, Kampeon sa Laguna, Walang Suporta sa Lokal na Pamahalaan

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Nag kampeon kamakailan ang Calamba Basketball Team sa katatapos na Governors Cup Inter-Town Basketball League na nilahukan ng ibat ibang bayan at Lungsod sa Lalawigan ng Laguna. Ang Inter-town Basketball League ay muling binuhay Ni Gov. George “ER” Ejercito Estregan sa pamamagitan ng kanyang Laguna Sports Head na si Mr. Albert Abarquez. Matamis ang tagumpay na nakamit ng Calamba Basketball Team dahil sa higpit ng kompetisyon,mula semi-finals at hanggang Championship ay ang Siyudad ng Biñan ang kanilang nakalaban, bago nakamit ang tagumpay dumaan ang Team Calamba sa napakaraming pagsubok.  Una, dahil hindi sinuportahan ng Pamahalaang Lunsod ng Calamba ang Team kahit pa ilang beses ng lumapit ang koponan sa tanggapan ng Punong lungsod.  Naging labis naman ang pagtataka ng ibang bayan at probinsya sa kawalan ng suporta ng lokal na pamahalaan ng Calamba, dahil hindi lingid sa kanilang kaalaman ang laki ng pondo ng pamahalaang lungsod na umaabot sa 1.7 bilyong piso.  Dahil sa pangyayari ay nagbigay ng pahayag ang Sanggunian Panlungsod sa isang sesyon nito na may pondo ang Culture and Sports Office at ang Mayor's Office sa mga ganitong aktibidad. Ang Sanggunian Panlungsod ay may inaprubahang pondo para sa Cuture and Sports na humigit kumulang na 8 milyong piso, samantalang sa Mayor's Office ay may nakalaang humigit kumulang na 50 milyong piso para sa mga donasyon o discretionary fund.

 

Nagkagayon man, dahil sa katauhan ni SK President Paco Nido at ng Sangguniang Panglungsod, kahit papaano ay nakasali ang Team sa Governors Cup. Sabi nga nila masarap ang tagumpay kapag pinaghirapan at pinagsumikapan ito. Ang Pag kamit ng Calamba Basketball Team sa Kampeonato  sa Inter-Town Basketball League ay pangatlong beses pa lang sa kasaysayan ng palarong ito sa Laguna at ang panghuli ay noong dekada 80’ pa.  Kaya naman malaking karangalan ito sa ating Lungsod na kinikilala na isa sa pinaka maunlad na Siyudad sa Lalawigan ng Laguna.


Sa Kasalukuyan ay patuloy na nag-eensayo ang Calamba Basketball Team at naghahanda sa ibat ibang mga Liga sa labas ng Lalawigan ng Laguna. Sa puntong ito nais ng Team na masuportahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang Team dahil karangalan at pangalan ng Lungsod ang bitbit ng buong koponan.


Ang Calamba Basketball Team ay meron 15 manlalaro na kinabibilangan nina 1. Don Trollano, 2. Rap-Rap Medalla, 3. Bryan Salcedo. 4. Monching Lajara, 5. Emski Javier, 6. Orly Mabait, 7. James Sangel, 8. Leo Flavier, 9. Marc Supan, 10. Lester Gecale, 11. Renz Deomano, 12. Pog-Pog Castillo 13. PJ Castillo 14. Carlo Sandiego at 15. Mark Daquiz.---Calamba Basketball Team Sympathizer


basketball1basketball2

 

 


 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

.

Last Updated on Wednesday, 22 June 2011 06:10

Comments  

 
0#1HINETE2011-06-22 15:44
:eek:malamang next year full support na ang MAYOR jan...kc malapit na ang election,hahahaha kung ako naman sa inyo WAG nyo nang hingin ang suporta ng Mayor,nag champion nga kayo ng walang suporta sya eh..maraming [censored]porta sa inyo may napatunayan na kc ang tean ninyo!!!!congrats mabuhay ang grupo nyo..
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh