Sa ginawang raid sa Brgy. Parian Calamba City, nasa 12 kabahayan ang binantayan ng mga operatiba at nahuli nga sa kanila ang 66 marijuana, 57 sachet ng shabu, 2 sumpak at 4 fruit game. Nasa 30 na lalaki at 4 na babae ang kanilang nadakip. Madaling araw ng simulan nila ang operasyon ng mga kapulisan upang iraid ang naturang lugar sa pamumuno ni RD PRO4A Atty. Gil Meneses at Laguna Police Director Gilbert dc Cruz “ ayon kay Cruz matagal na nila itong minamanmanan halos umabot nga ito sa 2 buwan, naging maganda naman ang kanilang ginawang operasyon sa tulong din ng NBI, RSAF,PNP PRO4A, Phil Army at sa tulong din ni Hepe Joel Pernito ng Calamba.” Ayon naman kay RD Meneses naging matagumpay na matatawag ang naturang operasyon dahil sa pinaiigting niya ang kampanya laban sa paggamit ng illegal na droga. Ang mga ebidendsiya ay dinala sa PNP Region upang siyasatin at ang mga suspek ay dinala sa Calamba City Jail upang imbestigahan. // Arlene P. Mariposque

Picture Source:www.topnews.ae
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 21 June 2011 16:41