Calamba, City - Habang nagsasalita ang ating Pangulong Noy-noy sa gitna ng kanyang mensahe para sa ika 150th Kaarawan ng ating pambansang bayani na si D. Jose P. Rizal noong Hunyo 19 , isang grupo ng militante ang nagrally at nagsisigaw ng kanilang damdamin anila “ Walang pagbabago sa ilalim ni Aquino!”“Edukasyon karapatan ng mamamayan!” at “Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!” Napag-alaman ang mga ito ay kasapi ng Kabataan Partylist-Southern Tagalog Region kung kaya’t ang 7 pito ay dainakip ng nasa 25 miyembro ng (PSG) Presidential Security Guard at local na kapulisan dahil sa ginawa nilang pagpapahayag ng damdamin para kay Pangulong Noynoy Aquino .
Napag-alaman na ang 5 kabataan ay sina Mikel Mozo, Ynik Ante, Ruffa Solano, Bhen Aguihon at Cathy Gigantone, miyembro ng Kabataan Partylist – U.P. Los Baños chapter. At ang dalawa ay sina Joefrey Barreto at Rodel Badayor ng Anakpawis Partylist- Southern Tagalog.
Ang pito ay kinasuhan at nakadetina sa Calamba City Jail sa kasong alarm at grave scandal kung saan ay kailangan nilang magbayad bawat isa ng P6,000 pesos para sa piyansa .
Ayon kay Kabataan Partylist-Southern Tagalog Regional coordinator John Paulo Bautista “ We will not give in to these conditions that only disregard the heroic role of the youth. We call on everyone to show support and join us in calling for their immediate release. History has taught us that nothing else but the Filipino people’s collective action can create genuine change,”. “Aquino’s blatant disregard to the education sector with last year’s P1.39 billion education budget cut has caused thousands of youth from Southern Tagalog to not be able to enroll this semester. It is therefore our constitutionally guaranteed right to show our dissent to this continuing state abandonment”. // Arlene P. Mariposque

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph
Last Updated on Tuesday, 21 June 2011 07:56