Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

TAKBO PARA SA KARUNUNGAN: DEPED NATIONWIDE FUN RUN

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Inilunsad ng Department of Education ang isang nationawide fun run bilang kaalinsabay ng pagdiriwang ng bansa sa ika-150 taon ng kaarawan ng pambansang bayani.  Ayon kay DepEd SecretaryArmin Luistro, naging pangunahing aspirasyon ni Dr. Jose Rizal ang edukasyon at matapos ang mahigit isang daang taon matapos ng kaniyang pagpanaw ay hindi namatay ang hangaring ito na mapaunlad ang kabataang pinoy sa pamamagitan ng edukasyon.  Sa fun run na ito na tinaguriang "Takbo sa Karunungan", na kung saan imbes na magbayad ng registration fee ang mga kalahok ay magdo donate sila ng mga gamit pang eskuwela o lalagda sa isang pledge na magiging kaisa ng sangay sa pagpapasigla ng edukasyon.

 

Ang fun run na ito ay gaganapin sa ika-18 ng Hunyo, ganap na ika-5 ng umaga sa Liwasan ng Lungsod ng Calamba.  Para sa mga katanungan, maaring makipag-ugnayan sa telepono bilang (049) 5457331 / 545-5797.

deped-funrun


 

 

Last Updated on Thursday, 16 June 2011 15:35

Comments  

 
0#1Merz M. Nido2011-06-17 08:48
Talaga po ba ala registration na required?, kundi mga gamit lang for the school? Wala kasi nasagot sa mga phone numbers na naka-post dito.Thanks:-)
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh