Sinabi ni DOLE Regional Director4A Atty. Ricardo S. Martines Sr. na nasa apat na milyon na ang bilang sa Pilipinas ng mga bata na nasa murang edad pa lamang ay nagtatrabaho na imbes na nag- aaral at naglalaro. At dito sa Region4A ay umabot na sa 440,000 Child Labor ang naiulat. Kalimitan sa kanila ay nasa edad 9 taong gulang- pataas ay nagtatrabaho bilang henete o taga hila ng kabayo na minsan ay nagiging dahilan ito upang madala sila partikular na ang mga batang babae sa prostitusyon. Kung kaya’t layunin nitong matulungan ang mga bata na mabigyan ng pansin at matustusan ng mga ahensya sa kanilang pag-aaral. Nagbibigay ang mga ahensiya ng pamahalaan ng tulong upang mailayo sila sa kapahamakan at matigil na ang pang-aabuso sa mga mura nilang edad. Dumalo sa naturang MOA signing sina PCSUPT. GIL MENESES, PN9 IV-A, DIR. NORITO CABOTAJE PIA IV-A, MR. RAFAEL GRANCI0SO, Representative of Former Child Laborers at Mr. Eduardo Nicolas III, RTIPC IV-A , Inc. Vice Chair for Management. // Arlene P. Mariposque |
Picture Source: ilo.org |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph