Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

FARMERS' FIELD SCHOOL AT LAKBAY-ARAL NG MGA MAGSASAKA

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Nitong nakaraang buwan ng Mayo ay opisyal na sinimulan ang Farmers’ Field School sa Pagtatanim ng Mais sa Barangay Hornalan ng siyudad ng Calamba. Ang FFS ay isang pagsasanay na ginganap isang beses isang linggo, sa loob ng  labing-anim na linggo. Layon ng nasabing pagsasanay na maituro ang  mga makabagong  teknolohiya sa pagtatanim ng mais, sa pamamagitan ng aktwal na pagsasanay sa tanimang bukid. Dinaluhan ang panimulang programa  ng Barangay Agriculture and Fishery Council Chairman ng Hornalan na si Venancio Awiatan, tatlumpu’t-dalawang magsasaka mula sa nasabing barangay, at mga kawani at tekniko mula sa City Agricutltural Services Department na pinamumunuan ni Ginang Aurea C. Alcasabas.

 


 

 

Ginanap din ang lakbay-aral ng animnapu’t anim (66) na magsasaka sa lungsod ng Calamba. Ang mga magsasaka ay mula sa barangay ng Sirang-Lupa, Laguerta, Majada-Out at Punta.   Layon ng lakbay-aral na magkaroon  ng aktwal na obserbasyon at magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa  Organikong Pagsasaka. Bukod sa organikong pagsasaka, ay binigyang-kaalaman at tinalakay din ng may-ari nang Ato Belen’ Farm na si Renato Belen ang tungkol sa pagkakaroon ng organikong manok at baboy, “vermicomposting”, at “inarching”. Samantala, sinabi rin ng may-ari ng Costales Farm na si Ronald Costales kung paano sinimulan and naturang Farm at kung paano niya patuloy na pinangangalagaan ito. Kasama sa naganap ma Lakbay-aral ang BAFC Vice Chairman at Brgy.Councilor, Commitee on Agriculture nang Brgy.Sirang Lupa na sina Leonardo Nazareth at Ireno Lalap, ang BAFC Chairman, Brgy.Councilor, Committee on Agriculture ng Brgy. Majada-out na sina Romulo Corpuz at Melita Robles, BAFC Chairman, Brgy.Councilor Committee on Agriculture at BAFC Chairman, Brgy. Councilor, Committee on Agriculture na sina Danilo Briones, Mauro Padilla,at si Roman Lalap at sinamahan din ng mga tekniko mula sa City Agricultural Services Department na sina Madeliene Pelipeda, Namencia Micosa at Leo Gelisan.


lakbay-aral



Last Updated on Monday, 13 June 2011 04:06

Add comment


Security code
Refresh