Calamba City- Binaril ng kalibre .45 ang isang barangay tanod habang kumakain ito ng lugaw. Sinasabing tatlong ulit itong binaril kahapon ng umaga sa Mahogani Village sa Brgy. Looc, ng lungsod na ito. Sa inisyal na ulat ni Calamba City COP Supt. Joel Pernito, dakong alas-9:30 ng umaga habang kumakain ng lugaw ang barangay tanod na si Jose Ramos, nakatira sa relocation site sa nasabi ring lugar, lumapit ang isang lalaki at walang sabi- sabing binaril ito ng kalibre .45 sa katawan ng dalawang ulit at nang bumulagta ay sinundan uli ng isa pang putok sa mukha ang biktima. Ayon sa mga nakakita sa insidente, isang alyas “Tato” ang umano’y suspek sa pamamaril na isang kubrador ng STL na unang nakaaway na ng biktima na kung saan nakasagutan ng una ang biktma ng sabihan ito ng suspek na adik, na ikinagalit naman ng biktima, subalit biro lang daw ang sagot ng suspek.
| Nasundan pa uli ng pagtatalo nang magkasalubong nitong Miyerkules ang biktima at ang suspek na tinulak ng biktima, na ngayon ay tinitingnang angulo ng mga pulisya na posibleng personalan ang dahilan ng pamamaril. Pinaghahanap pa ng otoridad si Tato. Ayon sa panayam kay Barangay Chairman Virgilio Pecayo ng Looc, madaming nakawan at holdapan ang nalulutas ng biktima sa kanilang barangay kaya nanghihinayang ang kapitan sa pagkamatay ng kanyang tauhan. Sa ngayon ay magsasampa ng kaukulang kaso ang pamilya ng biktima sa nasabing suspek. // Arlene P. Mariposque |
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph