Ngayong araw, masusubukan ang tinaguriang Rizal iTablet ng mga estudyante ng Lalawigan ng Laguna.
Ang proyektong ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguni Governor E. R. Ejercito ay makakaabot sa 1000 estudyante ng 16 pampublikong paaralan ng probinsiya.
Ito ay tanda para sa komemorasyon ng ika-150 kaarawan ng pambansang bayani, Dr. Jose Rizal.
Ang eRizal iTablet ay una sa buong Asya. Ang tablet na ito ay maglalaman ng iba’t ibang klase ng libro, kasama na ang interactive na exam. Ang teknolohiyang ito ay magbibigay ng makabagong paraan ng pagkatuto sa mga kabataan.
Target ng eRizal iTablet na makuha ang interes ng mga estudyante.

Comments
RSS feed for comments to this post