Ika-30 ng buwan ng Mayo ay may ipinakalat na dalawang pahinang "Open Letter" na diumano ay mula sa Tanggapan ng Punong Lungsod bilang tugon sa dalawa sa pinaka mainit na isyung pinag-uusapan: Ang diumano ay kawalan ng sapat na aksyon ng lokal na pamahalaan sa nangyaring malawakang demolisyon sa halos 700 pamilya sa Barangay Parian at ang sapilitang pagpapalayas sa mga raliyistang taga-Canlubang. Bagamat ang titulo ng liham na ito ay "PAGLILINAW", tila mas maraming mga katanungan ang lumitaw sa mga pahayag dito. Isang halimbawa ay sa kanilang direksyon na makipag-ugnayan sa mga sangay ng pamahalaan tulad ng DSWD, Housing and Settlement, City Health Office. Ang mga ahensyang ito ay pupuntahan kung may problema na...'pag na demolish na. Sa dami ng mga apektadong pamilya, ang tanong nila ay nasaan ang pamahalaan para sila tulungan sa oras na ginigiba ang kanilang tahanan? Sa isyu naman ng mga taga-Canlubang, tila nakalimutan na may karapatan ang mga mamamayan sa malayang pagpapahayag bilang isang demokratikong bansa. Sa open letter ay mababasa "KUNG KAYA'T ANG ANUMANG URI NG PAGPO-PROTESTA SA LANSANGAN AT SA HARAPAN NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD AY TUWIRANG HINDI PAGKILALA AT PAGLAPASTANGAN SA ITINATADHANA NG UMIIRAL NA BATAS NG ATING BANSA." Narito ang kopya ng naturang open letter:
Click thumbnail to View
Naging mainit naman ang mga pahayag ni Konsehal Nino Lajara sa panayam sa kaniya sa isang programa sa radyo. Kinuwestiyon ni Lajara ang naging hakbang ng Mayor na palayasin ang mga welgistang Canlubang sa harapan ng City Hall. Aniya pa nito na ang ganitong hakbang ay nagpapakita ng pagkitil sa karapatan ng mga mamamayang ipahayag ang kanilang saloobin, lalo pa at ang mga welgista ay mapayapang nagsasagawa ng kanilang protesta. Narito ang isang bahagi sa panayam kay Konsehal Lajara: "...NAGLABAS NA NGA NG VETO ANG ATING MAYOR NA SINASABING MAY KARAPATAN ANG FARMERS NG CANLUBANG, NGAYON ITONG FARMERS NG CANLUBANG NATIN AY NAGBIGAY NAMAN NG KANILANG MANIFESTO NA KUNG SAAN [NAGSASABING] KAMI ANG KILALANIN MO SA USAPIN NG MGA MANGGAGAWA, NA AYAW NAMANG KILALANIN NG ATING MAYOR. IYON LANG NAMAN ANG KANILANG KAHILINGAN. AT ANG KATANUNGAN D'YAN AY NANGAKO ANG ATING MAYOR NA BIBIGYAN NG SOLUSYON ANG CANLUBANG SA KURYENTE NA HANGGANG NGAYON AY HINDI NAGAGAWA. KUMBAGA, MAY PROBLEMA EH, 'DI BA? KUNG IKAW AY MAMAMAYANG MAY PROBLEMA, SINO BA ANG LALAPITAN MO? 'DI BA ANG PAMAHALAANG LUNGSOD? AT SIYEMPRE KUNG HINDI PA RIN NASOSOLUSYUNAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD 'YAN AY IKAW AY NARIRITO AT LALAPIT PA RIN SA AKIN. 'DI BA? KUNG ANG PAGLAPIT MO AY NAGPAPAHAYAG NA IKAW AY DISMAYADO SA GINAGAWA NG PAMAHALAANG LUNGSOD, AY KARAPATAN MO 'YAN...DAHIL ANG BUMOTO AY ANG MGA MAMAMAYAN AT SINASABI NILANG DISMAYADO SILA GINAGAWA NG PAMAHALAANG LUNGSOD..." |
Sandigan radio program interview with Councilor C.N. Lajara regarding the dispersal of the KASAMAKA Canlubang who are peacefully protesting for alledgedly the lack of action of the local government to their problems... |
Sa serye ng sagutang nagaganap sa pagitan ni Konsehal Niño Lajara at ng tanggapan ng Mayor, umaasa ang mga sangkot na sektor na mabigyang pansin ang kanilang mga hinaing at mabigyang linaw ang mga katanungan sa mga isyung kanilang kinakaharap.---J.JACINTO
RELATED ARTICLES:
CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph