Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

REAKTIB: ANG PABABANG TAKBO NG EDUKASYON SA KOLEHIYO

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Mataas ang pangarap ng Administrasyon Aquino pagdating sa Edukasyon. Subalit sa kabila ng gusto nilang kalinga para sa sektor na ito, tila naiiwanan ang edukasyong pangkolehiyo sa kanilang tinatanaw.

Nitong nakaraang linggo ay inilabas ang ranking ng pinakamagagaling na kolehiyo sa buong Asya at apat lamang sa 200 na nasa listahan ang mula sa Pilipinas.

Una ang University of the Philippines sa bansa subalit pang-62 sa buong Asya. Ang tatlo pang unibersidad na pumasok sa listahan ay ang Ateneo de Manila University (68), University of Sto. Tomas (104) at Dela Salle University (107).

Nanguna sa listahan ang Hong Kong University of Science and Technology na isang government-funded university. Mayorya rin ng mga nagunang kolehiyo sa Asya ay mga SUCs.

Kaya hindi natin dapat ikatuwa ang resulta ng nasabing ranking sapagkat mayroong 2,180 kolehiyo at unibersidad sa bansa kung saan 112 lamang ang SUC. Dominante sa bansa ang mga pribadong paaralan.

Malinaw dito kung paano pinababayaan ng pambansang gobyerno ang usapin ng pababang takbo ng nakakatuntong ng kolehiyo. Sinabi rin ni Kabataan Partylist Raymong Palatino na ito ay tuwirang pagpapakita ng pagpapabaya ng gobyerno sa tertiary education.

Makitid ang tingin ng administrasyong Aquino sa ginagawa nilang pagtalikod sa sektor ng edukasyon. Patuloy nilang ikinukumpara ang priyoridad na binibigay nila sa basic education kaysa sa tertiary education.

Ang programang K+12 o Kindergarten plus 12 years of basic education ang pilit ibinubuyangyang ng gobyerno sa tao. Subalit hindi ito magiging solusyon sa napakaliit na rate ng college graduates kundi lalo pang magpapababa.

Makikitang nakatuon ang K+12 Program sa aspetong hindi na pagkokolehiyo ng mga kabataan sapagkat matuturuan na sila agad ng sapat na kaalaman kapag natapos nila ang basic education. Paulit-ulit din na sinasabing ng Department of Education na magiging mascompetitive ang mga high school graduates sa K+12 Program dahil malaking kaibahan ng kaalaman ang makukuha nila kumpara sa kasalukuyang sistema.

Hindi natin iniiwan ang puntong mahalaga talaga ang basic education. Ngunit kailangan natin ding tandaan na dapat hindi maiwanan ang tertiary education bilang priyoridad. Na sa pag-angat ng basic education ay dapat umaangat rin ang sistema ng edukasyong pangkolehiyo sa bansa.

Idagdag pa natin dito ang patuloy na pagbukas ng mga SUCs sa unti-unting pagsasapribado. Nauna na nga rito ang UP na umaabot humigit P20,000 kada semester ang tuition fee pa lamang. Binabawi rin sa miscellaneous fees ng mga unibersidad ang pagtataas ng kanilang matrikula. Halimbawa na lamang ang P2,000 assessment fee ng PUP San Pedro, P150-350 na Physical Education fee ng UP at P800 na Energy Fee ng ilang kolehiyo sa loob ng PUP Manila.

Pangunahing dahilan ng mga kabataan ang sobrang laking gastusin sa pagkokolehiyo kaya hindi nakakapag-aral. Ang epekto, lumiliit ang bilang ng mag-aaral sa kolehiyo, lumiliit ang tsansa na makakuha ang isang kabataan ng magandang trabaho dahil sa diskriminasyon sa edukasyon.

Sa unang School Year ng Adminsitrasyon ni PNoy, sana ay makapagadjust sila sa paulit-ulit ng problema ng bansa sa edukasyon. Sana ay hindi patuloy na bumaba ang matagal ng mababang kalidad at sistema ng edukasyon sa bansa.

Hindi lang dapat priyoridad ng pamahalaan na inisip nila-nila sa loob ng kani-kanilang isip ang pumailanglang. Sana sa pagkakataong ito, ang tunay na pangangalaingan ng taumbayan ang matagunan. Edukasyon para sa lahat.--Matt Palentinos

pup

 


CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

 

DISCLAIMER


Last Updated on Tuesday, 31 May 2011 13:58

Add comment


Security code
Refresh