Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Magwagayway ng Watawat ng Pilipinas sa Pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat’ –Palasyo

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Nanawagan ang Malakanyang sa sambayanang Pilipino, Miyerkoles, na magwagayway ng watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tahanan, opisina, mga gusaling pambayan at mga liwasan, gayundin sa mga embahada at konsulado sa ibayong dagat simula sa Mayo 28, bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw ng Watawat, hanggang Hunyo 12, 2011 kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.


Sa pulong-balitaan sa Malakanyang Miyerkoles, sinabi ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda na ipagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Watawat simula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, 2011 upang gunitain na unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Teatro Caviteno bilang  paggunita sa Labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898.


“Ang panahong ito ay paggunita sa Labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898 nang unang iwagayway ang watawat ng Pilipinas  sa sagupaan sa Imus, Kabite na sinundan ng paglaladlad ng watawat sa proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Kabite” sabi ni Lacierda.  

 

Idinugtong pa ni Lacierda na ang bandilang Pilipino ay noon pang panahon ng Himagsikan, subali’t ito ay pingyaman noong 1936 ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. HIningi ni Lacierda sa lahat na magayway ang watawat sa kanilang mga tahanan, mga opisina, mga paralan, gusaling pambayan at mga liwasan, gayundin sa mga embahada at konsulado sa ibang bansa.

Binigyang diin ni Lacierda na ang ating watawat ang sagisag ng pagkakaisa ng ating lahi at ang watawat na ito ang bibigkis sa ating mga mamamayan tungo sa kasaganaan.  Idinugtong niya na panahon nang dapat tayong kumilos upang bawiin ang ating pambansang dangal at ang watawat natin ang sagisag ng pagkakaisang ito kaya panahon nang tanggapin natin ang katotohanang ito upang maitatag natin ang isang bansang karapat-dapat na matamo ng bawa’t Pilipino.  Hiniling niyang ipagdiwang nang angkop ang Pambansang Araw ng Watawat alinsunod sa Seksiyon 28 ng Batas ng Republika Blg. 8491 na lalong kilala bilang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” na nag-aatas sa lahat ng mga tanggapan at gusaling pambayan na magwagayway ng watawat ng bansa.


Kung nasa tagdan ang watawat, kailangang ito ay patayo ang ayos na ang araw at tatlong bituin ang nasa ituktok, ang bughaw ay nakaharap sa silangan kung ang lansangan ay patungo sa timog o hilaga o paharap sa hilaga kung ang lansangan ay paharap sa silangan o kanluran, alinsunod sa batas. Ang pulang bahagi ay inilalagay lamang sa itaas kung nasa digmaan ang bansa tulad noong Himagsikan ng 1896, Ika-2 Digmaang Pandaigdig at noong EDSA  Revolution ng 1986.  

Ayon sa RA 8491, ang watawat ay dapat nakawagayway na lagi sa mga sumusunod na gusali ng pamahalaan: Palasyo ng Malakanyang, Kongreso ng Pilipinas, Kataastaasang Hukuman, Bantayog ni Rizal sa Maynila, Dambana ni Aguinaldo sa Kabite, Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulakan, sa Puntod ng mga Hindi Kilalang Kawal sa Libingan ng mga Bayani, Museo de los Veteranos dela Revolucion, lahat ng international ports of entry at lahat ng iba pang pook na itinakda ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan. Bukod sa Pambansang Araw ng Watawat at Araw ng Kasarinlan, dapat ding iwagayway ang watawat tuwing Pambansang Araw ng Bayani kung Agosto; Araw ni Bonifacio—Nobyembree 30, at Araw ni Rizal—Disyembre 30. // Arlene P. Mariposque

philippines-flag



 

CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

DISCLAIMER

 


Last Updated on Friday, 27 May 2011 07:18

Add comment


Security code
Refresh