Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PANGULONG PNOY PINANGUNAHANAN ANG PAGBIBIGAY NG PUNLA PARA SA LAWA NG LAGUNA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

llda

May 24,2011---Ginanap ang isa sa pinakamalaking okasyon para sa mga mangingisda sa baybayin ng Lawa ng Laguna dakong alas 9 ng umaga kung saan nagbigay ang ating Pangulong Pnoy ng nasa (2) dalawang milyon na punla sa Brgy. Punta Jalajala Rizal. Ang tema nilang” Ibalik ang sigla at masaganang ani ng Lawa ng Laguna”, ito ay sinuportahan ng (LLDA) Laguna Lake Development Authority upang makatulong sa mga mangingisda  sa buong rehiyon.


Sa talumpati ng Pangulo ay binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkandili sa kalikasang nagbibigay ng ikabubuhay lalo na ng mga mangingisda.

 

“...Sa loob ng mahabang panahon ang lawa ng Laguna ay naging bukal ng pag asa ng bawat pilipino, pangingisda ang siyang pangunahing ikinabubuhay ng ilan sa mga nasa tabi nito. Subalit dahil sa mga walang pakundangan pagtatapon ng basura, pag gamit ng illegal na lambat  at pagdami ng mga nakatira dito, ang baha at pag bagyo ay isa lamang sa naging ugat kung kaya’t  nangaunti ang biyayang nakukuha natin sa Laguna lake. Dati ay kaliwat kanan kung makahuli ka ng tilapia, subalit ngayon ay swerte na may maiuwi ka sa iyong pamilya. Malinaw naman sa ating lahat na matagal na natin itong pinakinabangan, obligasyon  natin arugain, pagmalasakitan,at ingatan upang  mabigyan tayo ng samo’t saring biyaya at pagkakitaan. Kung kaya’t pinangunahan na niya bilang Pangulo  ang pagbibigay ng binhi upang hindi lamang tayo ay makinabang dito bagkus ay maibalik natin ang tunay na yaman ng Laguna...”  

 

 

// Arlene P. Mariposque


 

 

RELATED ARTICLE:


 


Last Updated on Wednesday, 25 May 2011 04:29

Add comment


Security code
Refresh