Ang Diabetes ay isang uri ng sakit kung saan ay pangmatagalan. Ito ay nangyayari kapag ang pancreas ng isang tao o ang kanyang lapay ay hindi naglalabas ng sapat na insulin na syang nararapat na kumontrol sa blood sugar. Mahalaga ang insulin. Ito ay isang hormone na kinakailangan ng tao, upang ang pumasok na pagkain sa katawan ay maiconvert sa sugar or starch na syang nagbibigay ng lakas para maisagawa ang mga pang-araw araw na gawain.
Karamihan sa alam ng tao, ang diabetes ay para sa matatanda lamang. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, na ang sakit na diabetes ay maaring dumapo sa mga bata. Ang tawag sa ganitong uri ng diabetes ay Type 1 Diabetes. Ayon sa Philippine Diabetes Association, may dalawang libong batang Pilipino ang nakakaranas ng ganitong sakit. At ayon sa mga Medical Observer, ang stage 1 diabetes ay nakakaapekto hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa. At ang bilang ng mga naapektuhan ng ganitong uri ng sakit ay tumataas ng tatlong porsyento taon- taon sa mga batang ang edad ay labing apat na taon pababa.
Naglabas ng ulat ang International Diabetes Federation at ayon na rin sa data ng World health Organization, tatlong daan at walong pung milyong tao ang inaasahan na magkakaroon ng ganitong sakit pagdating ng taong 2025. At ang ilang bilang ng porsyento ay manggaling sa mga bansa ng SouthEsat Asia kabilang na ang bansang Pilipinas.
Lubhang nakakaawa na isipin man lamang na ang mga bata sa kanilang murang edad ay nakakaranas na agad ng paghihirap sa araw-araw na pagtitiis sa sakit na dulot ng pagtuturok ng insulin sa kanilang katawan.
Sana po ay maging mapagmatiyag ang bawat isa na maging maingat sa ating kalusugan, dahil may mga pagkakataon na hindi kaagad makikita ang mga palatandaan kung may diabetes ang isang tao lalo na ang mga bata. Narito ang ilang palatandaan upang ating maobserbahan din ang ating sariling katawan:
Sa mga may sakit na ng diabetes, ang hypoglycemia o pagbaba ng blood sugar ay madaling nangyayari. Ang mga palatandaan kapag bumagsak ang blood sugar ay ang mga sumusunod:
mychildrehealth.net |
Disclaimer: CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors. Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph