Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BRIGADA-ESKWELA: Makabagong Bayanihang Pinoy

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Mga sirang upuan, lumang pisara,mga butas na bubong at mga baradong palikuran...Ganyan ang eksena na ating  makikita sa mga paaralan na pampubliko sa ating bansa.  Ang ganitong kapaligiran ang nagiging minsang dahilan kung bakit hindi makpagconcentrate ang mga bata sa kanilang pag-aaral na nagbubunga  din upang mangyari na maging mahina sa mga akademya ang mga kabataang  pinoy.  Ito ay nakita ng mga kawani sa Kagawaran ng Edukason, kaya taong 2003 inilunsad ng departamaneto ang “Brigada Eskwela” ito ay taon-taon na paglilinis sa mga paaralan bago magpasimula ang klase.  Ang layunin ng Brigada Eskwela ay upang maisaayos ang mga silid  at mga dapat kumpunihin sa mga pang elementary at sekondaryang paaralan upang ito ay maging kaya-ayang lugar ng pagkatuto.

 

Dahil sa  pakikipagtulungan ng mga guro, mga magulang, mga estudyante at community volunteers at mga organisasyon  hanggang sa mga taong ito ay nabibigyan ang mga paaralan ng mas maayos  at mas mabuting kapaligiran para sa mga mag-aaral.  Malaki rin ang naitutulong nito sa ating gobyerno,mula ng ito ay maisakatuparan, ang mga pampublikong paaralan ay nakinabang pagdating sa tinatawag na Community Maintenance and Operating Expenses (MOOE).

  • Taong 2003: labing dalawang libong paaralan na pampubliko (30% ng lahat ng paaralan)
  • P392 million na community MOOE.
  • Taong 2004: labing anim na libong paaralan (38% ng lahat ng paaralan)
  • P717.1 million na community MOOE.
  • Taong 2005: dalawang put anim na paaralan (62% ng lahat ng paaralan)
  • Mahigit P1 Billion na community MOOE.

Dahil sa Brigada Eskwela ay nakatipid ang gobyerno sa halagang P153.16 million, kasama na dito ay ang mga donasyon, serbisyo, at boluntaryong paggawa ng  mga tao. At sa taong namang 2008, ay umabot naman sa P2.9 billion.  Tayo naman na bilang mga Pilipino, mayroon tayong magagawa. Kung tayo ay maraming mga kaibigan maari tayong  bumuo ng grupo na tutulong sa gampaning ito.  Bago magbrigada Eskwela, ay dapat na ihanda ang mga sumusunod:

  • Bumuo ng grupo, o kung mayroon na gaya ng mga organisayon ng mga kabataan sa inyong baranggay o bayan, buuin naman ang mga sub-group o mga committees kung saan ay maghahati-hati ng mga gagawin, katulad ng mga sumusunod
    •  
      •  
        • Marketing-ito ang nagpopromote ng kaalaman na may ganitong Gawain, lakip nito ang panghihikayat sa bawat isa na mainvolved sa Gawain.
        • Resource Mobilization- maglalabas ng maaring pagmulan ng mga materyales na gagamitin ganun din ang manpower.
        • Program Implementation- ito naman ang naka-assign sa pagsisigurado ng mga dapat magawa.
        • Administrative and Finance- mamamahala sa budget ng mga nalikom na salapi
        • Documentation-naka-assign naman upang kumuha ng mga videos at litrato upang maging katunayan o remembrance  ng  pagtulong.
  • Alamin at makipag-ugnayan sa mga administrative staff ng paaralan kung ano ba ang mga kailangan na dapat maisaayos upang mapaghandaan ang mga materyales.
  • Bago dumating  ang aktibidades, siguruhin ang lahat at magkaroon ng pinaka final na pagsisiyasat sa lahat ng kasama at dadalhin pagdating ng event.
  • Pagkatapos ng event, ay magkaroon ng assessment para naman sa mga darating na pagpapalano.

Ang Brigada Eskwela ay nagpapakita  ng taos-pusong Bayanihan...Ito ang sagradong tradisyon ng pagboboluntaryo mula pa nang una, na siyang  nararapat naman na imulat sa bawat batang Pilipino.  Ang tunay na kaluluwa ng Brigada Eskwela ay kung paano ituturo sa mga kabataang mag-aaral,kung ano ang katuturan ng serbisyo sa komunidad at lalo na sa sangkatauhan. Ang leksyon ng Brigada Eskwela ay upang maituro  ang leksyon ng pagiging isang tunay na mamamayang Pilipino--Ellaine Esguruerra


brigada

picture source: PIA.gov.ph

 

 

Last Updated on Monday, 23 May 2011 03:58

Add comment


Security code
Refresh