Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Public Transport Subsidy sa Lungsod ng Calamba, Nakatakdang Ipasa!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Bunsod ng kaguluhan sa Kanlurang Asya at Hilagang Aprika, at ng sistemang deregukasyon na matagal nang pinatutupad ng pamahalaan, sunud-sunod ang naging pagtataas ng kumpanya ng petrolyo na siyang nagpahirap sa sektor ng transportasyon sa bansa. Ayon sa datos na inilabas ng Kagawaran ng Kalakalan at Industrya o DTI, pumalo na ang presyo ng petrolyo mula P52-P56, pinakamataas na naitala sa Lungsod ng Bacolod. Gayunpaman, nais ng pamahalaan na tumulong sa mamamayan sa muling pagkakaroon ng serye ng pagtataas sa presyo ng petrolyo.

Inilunsad ng pamahalaan ang Pantawid Pasada o Public Transportation Assistance Program (PTAP) sa ilalim ng Executive Order No. 32. Layon ng programang ito na tulungan ang sektor ng transportasyon sa para sa subsidiya na kinakailangan para sa pangangailangan sa gasolina. Sa kaso ng mga traysikel, ang PTAP ay isasagawa sa paraan ng pamimigay ng subsidiya na ayon sa laki ng konsumo. Ang programang ito na dederekta sa mga namamasada ng traysikel ay dadaan sa pangangasiwa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.

Kaalinsabay ng kautusang ito mula sa Tanggapan ng Pangulo ay ang pagtalima ng Lungsod ng Calamba upang pinansiyahan ang pangangailangan ng sektor ng transportasyon lalo’t higit ng mga namamasada ng traysikel. Sa resolusyon bilang 210 na inihain ni Kagalang-galang Konsehal Christian Nino Lajara, punong komite ng Transportasyon ng Lungsod ng Calamba, isinaad ang pagbibigay-pahintulot sa Punonglungsod Joaquin Chipeco Jr. upang pumasok sa Memorandum of Agreement (MOA) sa DILG Regional Office IV-A sa pamumuno ni Dir. Josefina Catilla-Go, CESO III na ayon sa probisyong nalalahad sa PTAP.

Ang implementasyon ng  resolusyong ito na isinusulong ni Konsehal Christian Nino Lajara ay isasagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng subsidiyang ipagkakaloob ng DILG at ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba ngunit lilmatahan sa mga mapipiling benepisyaryo na pagkatapos ng pagsusuri. Ang nasabing resolusyon ay nasa ikalawang pagbasa na noong ika-16 ng Mayo at nakatakdang ipasa ngayon ring buwan na ito.--JM JOSE

tricycle

 

Add comment


Security code
Refresh