Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

MGA WELGISTA, PWERSAHANG PINALAYAS !!!

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Calamba City, Laguna--- Mayo 16 dakong alas 7 ng umaga ng tuluyan ngang dinisperse sa harap ng City Hall ang KASAMA-KA CANLUBANG kung saan ay sinasabing illegal ang kanilang pagtatayo ng piket dahil wala silang permit.


Halos dalawang buwan na ang nakararaan ng sinimulan nilang magtayo ng tent doon upang kahit papaano ay makatawag pansin sa pamahalaang lokal, subalit nabigo sila! Ang problema nila sa Barangay Canlubang ay kawalan ng serbisyo sa kuryente at ang hindi pagkilala sa kanilang pagiging lehitimong taga-Canlubang. Ayon sa mga nagpipiket doon  dahil sa paglalahad nila ng totoo sa ibang Local at National Media ay walang atubiling sila ay dinisiperse , nais lang naman nilang may makapansin sa kanilang panawagan, kung may plano ang pamahalaan gusto lang naman nila itong malaman. Takot man sila ay wala silang nagawa kundi ang umalis sa lugar na kung saan MALAYA sana nilang naipapahayag ang nais nila. Dahil  ang kinatatayuan nila ay ang lugar kung saan itatayo ang pinakamalaking bantayog ng ating pambansang bayani.

 

Nangangamba ba ang lokal na pamahalaan na sa kabila ng  ng pagdiriwang para sa 150th Birth Anniversary ng Dr. Jose Rizal ay may makakitang ng totoong sitwasyon ng mga pangyayari dito sa mismong bayan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, na may mga dumaranas ng kaapihan sa mga demolisyon at karapatang pantao ng mga CALAMBEÑO. --- AbsCalamba

canlubang100

RELATED ARTICLES:

 

Disclaimer: CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph

Add comment


Security code
Refresh