OUTSTANDING FARMER OF THE YEAR 2010-2011
Itinanghal na panalo ang ilan sa mga magsasaka ng Lungsod ng ng Calamba sa ilalaim ng “OUTSTANDING FARMER OF THE YEAR “ 2010-2011 sa lalawigan ng Laguna. Ang mga nagwagi ay sina Sofronio Cabrera bilang “ Outstanding Corn Farmer “ at “Pinaka” winner ng Yellow Corn , si Maine G. Tuiza bilang “ Outstanding Young Farmer”, ang Calamba Rice Growers’ Multi-Purpose Cooperative bilang “ Outstanding Small Organization” at si Isidro Panganiban sa kategorya ng “Green Corn Derby Winner”. Nagwagi si Telesforo Mane bilang “Pinaka” winner sa tanim na kamatis, Abundio Morato sa White Corn at Pakwan, Robert Begornia sa Papaya, Cristobal Gregandra sa Cassava at Joel Rodriguez sa Cacao. Ang kategorya ng “PInaka” ay pumipili ng mga pananim (gulay o prutas) base sa kaledad, laki, at lasa nito. Gaganapin ang paggawad ng parangal at gantimpala sa mga nagwagi ngayong darating na Mayo 20, 2010, 1:00 ng hapon sa Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz, Laguna.
OUTSTANDING YOUNG FARMER NG CALAMBA TUMUNGONG JAPAN
Sa pamamagitan ng programa ng Kagawaran ng Agrikultura sa 4-H Club ay lumipad na nitong nakaraang Mayo 10 2011, patungong Japan si Remigio “Butsok” T. Villamayor Jr. Sampung buwang mamalagi si G. Villamayor sa Japan upang mag-aral at magsanay ng makabagong sistema ng pagsasaka sa nasabing bansa. Si G. Villamayor, ay 27 gulang na naninirahan sa Barangay Hornalan at ang itinanghal na “Outstanding Young Farmer” ng Laguna noong nakaraang 2010. Siya din kasalukuyang Federation President ng 4-H Club, isang organisasyon ng mga “out-of school” and” in-school youth” na may mga proyektong pangkabuhayang konektado sa agrikultura.
