Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

BANTA NG DISPERSAL PINANGANGAMBAHAN NG MGA TAGA-CANLUBANG

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Sa isang panayam sa mga lider ng grupong nagpipiket sa harap ng City Hall,ang KASAMA-KA CANLUBANG ay ipinahayag nito ang kanilang agam-agam sa balitang ang kanilang grupo ay idi-disperse kung hindi sila aalis sa harap ng City Hall.  Ayon sa isang reliable source, diumano ay mayroong liham mula sa Tanggapan ng Punonglungsod para sa Tanggapan ng Public Order and Safety at Pulisiya na nagsasabing kailangang paalisin na ang mga raliyista at kung hindi sila aalis ay idi-disperse sila dahil wala silang permit na magsagawa ng ganitong piket.


Matatandaang halos dalawang buwan ng nagkakampo ang mga taga-Canlubang upang iprotesta ang kawalan diumano ng aksyon ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga problema sa barangay tulad ng kawalan ng serbisyo ng kuryente at ang hindi pagkilala ng Punong lungsod sa kanilang pagiging lehitimong taga-Canlubang.  Nitong nakaraang linggo lamang ay nahayag sa national television ang suliraning ito ng Calamba dahil insidental na kinapanayam sila ng mga taga-ABS CBN nang ang mga ito ay magtungo sa Calamba upang i-cover ang ginagawang rebulto ni Dr. Jose Rizal.


Ipinagtanggol naman ni Konsehal Niño Lajara ang karapatan ng mga taga-Canlubang na magpiket sa harap ng City Hall.  Lumiham ang konsehal sa Punonglungsod bilang pagtugon sa isyu ng kawalan ng permit ng mga raliyista. Binigyang-diin nito ang right to freedom of expression na garantiya ng Konstitusyon.  Ipinaliwanag din ng konsehal na ang “no permit no rally” policy na sang-ayon sa Public Assembly Act of 1985 ay aplikable lamang sa mga bayan o lungsod na nakapagtakda ng tinatawag na freedom park, at ang lungsod ng Calamba ay wala pang itinatakdang freedom park kung kaya’t hindi kinakailangang kumuha ng permit ang mga raliyista sa lokal na pamahalaan lalo pa at mapayapang pagpoprotesta ang kanilang ginagawa.  Babala pa ng konsehal na kung sakaling i-disperse sila ay mangangahulugan ito ng paglabag sa karapatang pantao ng mga taga-Canlubang.


Ipinahayag ng mga lider ang kanilang pangamba na sa gitna ng pagdiriwang para sa pambansang bayani ay matakpan ang katotohanang mayroong sektor ng mga mahihirap sa Canlubang ang kasalukuyang dumaranas ng kaapihan at pagbalewala mismo ng lokal na pamahalaan—J. JACINTO

 

RELATED VIDEO:

http://www.youtube.com/watch?v=NlxPEj-4_MY

RELATED ARTICLES:

 

rally3

 

Last Updated on Tuesday, 17 May 2011 05:56

Add comment


Security code
Refresh