Umabot sa 157 piraso ng vintage bomb ang aksidenteng nahukay ng dalawang kabataang lalaki samantalang aktong naghuhukay ang mga ito ng kamoteng kahoy sa likuran na kanilang bahay sa Brgy. Makiling lungsod ng Calamba kahapon ng umaga. Ayon sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Joel Pernito,hepe ng pulisya kay PNP Provincial Director P/SSupt. Gilbert Cruz, dakong10:20 ng umaga ng hindi inaasahang madiskubre ang naturang maraming bilang ng mga kinakalawang na bomba.
Tinatayang may sukat na 1 foot ang haba nito, at 81mm naman umano ang laki kung saan kasalukuyang nasa pag-iingat na ngayon ng Laguna PNP ayon na rin sa atas ng PNP Regional Bomb Squad Unit na agad na nagresponde sa lugar.Kahapon ay patuloy pa rin ang isinasagawang paghuhukay ng element ng Bomb Squad Unit sa lugar at ang pangangalaga ng mga ito na pinaghihinalaang ito ay ibinaon ng nakaraang ikalawang digmaaan ng mga sundalong Amerikano at Hapon kung saan ginawang imbakan ng mga bomba ang naturang lugar. // Arlene P. Mariposque
