Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: Tips sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 


Education is not the filling of a bucket, but the lighting of a fire.

--William Butler Yeats

 
Ang kasabihan na ito  tungkol sa edukasyon ay masasabi nating isang passion o ang ibig sabihn ay may isang damdamin na  masidhing pagka hilig.  Pagkahilig sa edukasyon na papasukin natin, sa kursong pipiliin natin at kung anong trabaho ang mamahalin natin. Dahil isa sa susi para tayo ay maging matagumpay sa lahat ng ating gagawin ay kung mahal natin ang isang simulain.  At bilang mag-aaral na hahakbang sa mas mataas na antas ng edukasyon, mayroon akong ilang tips para tayo ay makapag pasya kung ano ba ang pipiliin nating kurso.

 
Tip no. 1 Ano ba ang hilig mo?
Dito, hindi pinag-uusapan kung san ka magaling kundi kung ano ang interes o gusto mong gawin. Sabihin na nating magaling ka sa math pero ang gusto mong gawin palagi ay mangalikot ng hardware at software ng computer. 'Wag accountancy ang kuhanin mo kundi magfocus ka na lang sa computer courses katulad ng IT at computer engineering.Paghusayin mo kung ano ang "passion" mo
 

 

Tip no. 2 Bakit 'yun ang hilig mo?
Importante na malaman mo kung bakit sa kurso na yun, doon ka interesado, dahil ba naeexcite ka o nachachallenge o may nakikita kang kislap para sa iyong hinaharap? O dahil ginusto mo na lang ang kurso na pipiliin mo  dahil 'yun ang gusto ng magulang mo? Sa pagtatanong sa iyong sarili, malalaman mo kung ano ba ang iyong tatahakin at pipiliin o kung saan ka dadalhin ng kurso mo.
 

 

Tip no. 3 Saan mo gustong mag-aral?
Kung saang paaralan na ang specialty nila ay ang kurso na hilig mo, sa mga ganoong pamatasan o unibersidad ka  mag-aral.  Sa ganung paraan, matututunan mo, ang dapat mong matutunan. At natitiyak natin na yun ay magagamit mo sa iyong future.
 

 

Tip no. 4 Magsiyasat kung makatotohanan
Ngayong alam mo na ang pangarap mo, umupo ka saglit at mag-isip, “makakatotohanan ba ang pangarap ko?”  “Kaya ba ng budget ko ang pamatasan na papasukan ko?...”  “Makakapasa ba ako sa kanilang requirements?...Isipin mo ang mga ito…  Pero h'wag mawalan ng pag-asa, may mga programa ang ibat-ibang organisasyon o mga pulitiko para makamit mo ang iyong mga pangarap, paano? Maaring mag-apply ng scholarship at matulungan ka financially.
 

 

Tip no. 5 Maaring mong baguhin ang iyong isip
Oo. Ito ay mahalagang decision. Pero kung naayos mo na lahat at nandun ka na, pero naisip mo na nakagawa ka ng isang malaking pagkakamali sa pagdedesisiyon. Hindi pa huli ang lahat. Makipag-usap ka sa iyong school counselor at tignan mo kung meron pang mas maayos at praktikal  na options na pwede mong magawa. Wag mong aksayahin ang apat hanggang limang taon na pasok ka lang ng pasok sa paaralan, sa mga pamantasan o unibersidad pero hindi ka naman talaga interesado o dahil sa napilitan ka na lang din.Tandaan, ito ay tungkol lahat sa passion- dahil pag ninanasa mo ang isang bagay, gumagawa ka ng paraan na ito ay makuha sa lahat ng paraan na alam mong pwedeng gawin.
 

 

Sana ay nakatulong sa iyo ang ilang tips na ito. Wag tayo mag-aksaya ng salapi, ng pagod at hirap, ng panahon at buhay. Lahat ng bagay, isipin nating may karunungan at pagnanasang makamit.--Ellaine Esguerra

 


opportunity_boulevard

acadaos.osu.edu


 

Disclaimer: CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph



 

Last Updated on Friday, 13 May 2011 10:55

Add comment


Security code
Refresh