Calamba, City- Dahil nga sa nangyaring demolisyon sa Parian Calamba City noong April 27, hindi malaman ng nasa 700 pamilyang nawalan ng tirahan kung saan sila titira. Napag alaman na ang 500 sa mga pamilyang ito ay nanatiling nasa Parian Elementary School noong pang matapos silang idemolish sa kanilang dating tinitirhan.
Isa nga si aling Helen na sinasabing may mga dumarating namang tulong ang pamahalaan tulad ng libreng gamot, pagkain at kahit si Gov. Ejercito ay nagpadala na rin sa kanila. Nagpapasalamat naman sila sa mga nagbibigay tulong subalit ang kanilang nagiging problema sa ngayon ay noong nagdaang araw ay marami na sa mga bata doon ang nagkakasakit ng ubo, sipon, pagtatae at bulutong. Noong bagyong Bebeng ay di nila alam saan sila pupunta, kung kaya’t awa at habag na lamang ang kanilang nararamdaman sa kanilang sarili at higit sa lahat ay para sa kanilang mga anak.
Sinasabi na isang Linggo na lang ang kanilang pananatili sa naturang eskwelahan dahil sa malapit ng magpasukan, may mga tulong naman ang City Government anila subalit ang paglilipatan nila ang malaki nilang problema, may nagsabi pang mayroon daw sa Brgy. Bañadero kung saan sila ay lalagyan ng mga blue tent at bibigyan na sila ng tirahan subalit ang tanong ng ilang naroon wala naman silang hawak na anumang papel na katunayan sila ay irerelocate doon. Ang tanong po nila PAANO na daw ang mga anak nila lalo’t malapit ng mag pasukan. Ano nga ba ang kahihinatnan nila? Sino nga ba ang may busilak na puso para sila ay tulungan at pansinin ng pamahalaan. // Arlene P. Mariposque

Comments
RSS feed for comments to this post