Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: ANG RIKIT NA PASISIKLABIN: Ang Pagdalaw sa Canlubang (UNANG PARTE)

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Nitong nakaraang mga araw, maigting kong sinubaybayan ang nangyayaring piket ng mga taga-Canlubang sa labas ng City Hall ng Calamba. Dito ko nadama ang patuloy na pag-asa ng mga tao rito. Na kahit sa liit ng pag-asa sa pagtatagumpay sa kanilang isyung pinaglalaban, gagawa sila ng paraan upang pasiklabin ang sa ngayong rikit pa lamang sa paningin ng mga naghaharing uri na tumatapak sa kanilang karapatan.

Naglakad-lakad ako sa ilang mga sitio sa Canlubang upang maghanap ng mga taong sasagot sa mga katanungan ko tungkol sa kahirapan ng kawalan ng kuryente. Mag-iisang taon na ang mga mamamayan ng Baranggay Canlubang sa Lungsod ng Calamba na dumadanas ng kadiliman.

Noong unang araw kasi ng Hulyo, katatapos lamang ng proklamasyon ni Noynoy Aquino bilang Pangulo ng bansa, tinanggalan ng serbisyo sa kuryente ang mga sitio sa nasabing baranggay na hindi hawak ng Meralco. Mahirap talaga kung tutuusin subalit sa nakita kong mga repleksyon mula sa mga mata ng aking nakausap, umaasa pa rin sila na muling magliliwanag ang buhay nila.

 

SI LOVELY at ang iba pang bata

Una kong binagtas ang parte ng golf course sa bandang likod ng tahimik na simbahan ng Canlubang kung saan nakahimlay ang mga yumaong miyembro ng Pamilya Yulo. Ang pamilyang ito ang hanggang sa ngayon ang sinasabing nagmamay-ari ng napakalaking lupa sa nasabing baranggay.

Nakita ko rito ang napakaraming mga bata na naglalaro ng baseball. Bakas ang ngiti ng kamusmusan sa kanilang mga labi. Ang Canlubang ay isa sa pinagmamalaki sa larangan ng baseball sa bansa noon. Kadalasang nirerepresenta ng Canlubang Barons ang lugar sa iba’t ibang baseball tournament sa iba’t ibang bansa. Subalit ngayon, nakakatawang isipin na sa loob ng isang golf course naglalaro ang mga batang gusto pa ring buhayin ang tradisyon ng nasabing sport sa baranggay.

Tinuloy ko ang paglalakad at doon ko nakilala ang batang si Lovely. Isang batang tumigil sa pag-aaral sahil sa sakit, magalang, mabait, at may kapayatan. Tinanong niya ako kung bakit ko kinukuhanan ng litrato ang mga bahay sa kanilang lugar at siyempre ako itong sumagot din para magtuluy-tuloy ang aming pag-uusap.

Hindi niya na tanda kung kailan ang mismong araw silang nawalan ng kuryente sa bahay, basta ang alam niya matagal na iyon. Pinilit kong usisain kung paano siya nag-aaral sa dilim. Walang kibit ang sagot niya na pagdating pa lamang mula sa paaralan ay kailangan niya ng umpisahan ang kaniyang mga homework. Ito ay upang hindi siya abutan ng dilim.

Itinuntong niya ako sa kaniyang buhay pansamantala sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan. Ikinuwento niya mula sa kaniyang pag-aaral, pagkain hanggang sa nagdedeliver ng battery sa kanilang bahay ng mamang nakamotor. Hindi rind aw siya madalas makapanood sa telebisyon maliban na lamang kung may karga ang generator ng kapitbahay nila at pinayagan silang makasilip doon.

Naisip ko na parang kulang ang pagiging bata ng mga nasa henerasyon ngayon kung hindi man lang siya nakakapanood ng telebisyon. Subalit binago ng mga batang taga-Canlubang ang pananaw kong ito. Sa kanila, hindi ang TV o anumang uri ng de-kuryenteng bagay ang magpapasaya sa kanila. Masaya sila na mayroon silang kinakain sa mesa kahit anu pa iyon. Masaya sila na nakapaglalaro sila sa mga puno, damuhan at batuhan. Masaya na sila sa mga simpleng bagay na hindi nating gugustuhing tirahan kong buhay tayo sa maliliwanag na ilaw ng siyudad.

Sa kabila ng mga hirap na dinadanas ng mga bastang paslit na ito, hindi matatawaran ang kasiyahang idudulot nila sa oras na tingnan mo ang kanilang mga mata. Punung-puno ng pag-asa, pag-asang liliwanag at aasenso rin ang kanilang buhay.

 

SI LOLO JESUS

Isa rin sa mga nakapanayam ko si Lolo Jesus. Markado ng kaniyang kapayatan ang kanyang hirap ng pinagdadaanan. Markado ng bawat pekas at humpak na mukha ang bawat pagsubok na kanyang hinarap sa buhay.

Halos buong buhay ni Lolo Jesus ay sa Canlubang siya nanirahan. Nakita niya ang pag-unlad nito. Panahong malakas pa ang pabrika ng asukal ng panginoong-may-lupa dito. Libre pa ang lahat noon, mula kuryente, tubig at maging mga grocery at basic na komoditi.

Ang masakit ay nakita niya rin ang unti-unting pagbagsak nito mula nang mamatay ang matandang Yulo. Napabayaan ang buong lugar, mula sa serbisyo sa kuryente at tubig, mga kalsada, at mga lugar pangkasiyahan tulad ng mga court at stadium. Giniba na ang hospital na kumakalinga sa mga kasama na nagtatrabaho sa pabrika. Giniba na ang mga toreng labasan ng usok ng pabrika. Unti-unti nang binabakal ang anumang pwedeng pagkakitaan sa loob ng nagsarang pabrika.

Wala ng pag-asa sa kaniyang mga salita. Lalo’t higit pagdating sa serbisyo ng kuryente. Itinatawid ng baterya ang ilang araw nilang ilaw sa loob ng bahay. Subalit makikita sa kaniyang mga mata ang pananabik na sana magtagumpay pa rin ang kanilang pinaglalaban.

Naikwento niya ang mga nangyayaring mga miting ng mga tao kung saan palagi siyang dumadalo at nakikibalita. Hindi niya naitago ang pagkagalit sa mga opisyal ng baranggay at maging ng Pamahalaang Panlungsod sa kawalan ng aksyon sa kanila. Naaasar pa nga siya dahil kahit may boses sila sa loob ng Sangguniang Panlungsod, hindi naman ito makapangibabaw sa desisyon dahil mag-isa lang ito parati.

Umaasa pa rin siya na may maitutulong ang pamahalaan sa kanya. Umaasa siyang aabot talaga kay Noynoy ang ginawang sulat ng mga tao rito. Umaasa siyang mapalitan ang kanilang alkalde ng isang taong tunay na magiging boses ng taumbayan. Iyong hindi mangingimi na labanan ang pamilyang gusto silang palayasin sa tahanang deka-dekada na nila tinitirahan.

Sa aking paglisan sa kaniyang tahanan, pabaon niya pa ay pasasalamat sa aming kwentuhan at bumalik daw ako kung kalian ko gusto. Dito ako hanga sa mga taga-Canlubang, hindi nakakalimot na tumanggap ng mga bisita ng maayos sa kabila ng hirap na dinadanas nila.--Pinpin Tolentino

softball2


 

Disclaimer: CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph



Last Updated on Tuesday, 10 May 2011 11:34

Comments  

 
0#2kristine2011-05-11 06:40
nakakaawa po talaga cla doon lalo na ngayon at mainit. Taga roon ang aking biyenan. Buti nalng at nakatira kami sa Calamba at sila ay nakakapagcharge pa ng baterya sa amin. Sana magkaron n rin cla ng kuryenta sa Canlubang. Nagkakasakit na din ang ibang mga bata sa init ng panahon at wla png kuryente.
Quote
 
 
0#1emma aquino2011-05-10 12:31
kaawa awa ang kanilang kalagayan..sa maunlad na bansa meron pa pala
ng ganitong mga lugar

9d5qm 46kx2
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh