Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Hindi Katig si Aquino sa ‘Legislated Wage Hike’

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 
Tiniyak ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga kasapi ngEmployers Confederation of the Philippines(ECOP) na puspusang sisikapin ng administrasyon niya na maging mahusay angbusiness environment at parehas ang pag-alagata sa kapakanan ng mga manggagawa at ng mgaemployers.

 

“Pinagtutuunan namin ng pansin ang bagay na ito sa ating ekonomya sapagka’t alam naming ang pribadong sektor ang pangunahing tagapagsulong ng pag-unlad ng ekonomya,” wika ng Pangulo sa mga kasapi ng ECOP sa pambansang kapulungan ng samahan sa Lungsod ng Pasay Huwebes.  

“Alam kong ang iba sa inyo ay nababahala tungkol sa pagdaragdag ng suweldo pagkaraang hilingin ko sawage boardsbilisan ang pagpapasiya sa kahilingan ng mga unyon ng mangga-gawa. Ang tungkulin namin ay balansihin ang mga bagay. Ang inialok namin sa paggawa ay hindi naman ang makapipinsala sa inyong kapakanan,” sabi ng Punong Tagapagpaganap.  

Kaalinsabay nito, tiniyak ng Pangulo na hindi kakatigan ng administrasyon niya ang itinata-guyod ng Kongreso nalegislated wage hike. 

“Hindi namin hangad na hingin sa Kongreso na magpatibay ngacross the board increasesa suweldo,” paliwanag ng Pangulo at sinabing ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagsabing ang pag-aayos sa mga suweldo sa pamamagitan ngregional wage boardsay maaari pang makaya ng  ekonomya.

Idinugtong niya na parami nang paraming Pilipino ang magkakaroon ng trabaho at matutu-gunan ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Malilikha nito ang isang ekonomyang magpapasigla sa mga negosyo.

Nanawagan ang Punong Tagapagpaganap sa mga manggagawa atemployers na buhayin uli ang pag-uusap, paghaharap upang malutas ang ano mang hindi pagkakaunaaan, gayundin ang paghimok na sikapin nilang magkaroon ngprofit incentive sharing plan.

Sinabi ng Pangulo na siya ang nagpasimula ngproductivity incentives plannoong nasa Kongreso pa siya kaya ibig niyang maglagay ang ECOP ng ganitong programa para sa mga manggagawa.

“Ang magkatuwang na pagtatrabaho ng manggagawa at tagapamahala (management)ang susi ng tagumpay ng kompanya. At, ito ay magiging daan din ng maraming pakinabang ng lipunan,” sabi ng Pangulo. PIA4A // Arlene P.Mariposque

wage-hike-sought-in-philippines

Picture Source: texaninthephilippines.com


Last Updated on Tuesday, 10 May 2011 07:44

Add comment


Security code
Refresh