May 5, 2011---Mapag -aalaman nitong Huwebes ay idineklara ng Multinational food manufacturer Nestlé Philippines na ang MAGGI instant noodles ay naging positibo sa salmonella.
Sinasabi na ang beef-flavored MAGGI Rich Mami Noodles ay may natagpuang salmonella pagkatapos ng mahabang pagsusuri.
Kinumpirma ito mismo ng isang di nagpakilala mula sa Nestlé Philippines.
Hanggang sa ngayon ay di pa makontak ang opisyal na sasagot sa kontrobersyang ito.
Ang Salmonella ay isang bacteria na nakukuha sa tubig, dumi ng hayop, mga hilaw na itlog at hilaw ng karne. Ang Salmonella ay maaring maka inpeksyon sa ating bituka, magdudulot ito ng mataas ng lagnat , matinding pagsakit ng tiyan at pagsusuka.
Ang kumpanya ng Nestle ay isinama na ang chicken-flavored MAGGI instant noodles upang ipasuri.
Ang positibo sa salmonella na instant noodles ay may codes na 11020598A2 at 11030598A1.
Matatagpuan ang code sa likod ng noodles, sa pagitan ng "Best Before" date and the ingredients list.
Maaring manawagan ang mga mamimili ng nasabing MAGGI Rich Mami Noodles sa mga numerong ito 898-00-61 (for Metro Manila) at 1-800-100-637853 (toll-free for provincial areas).
Ang kumpanya ng Nestle ay isinama na ang chicken-flavored MAGGI instant noodles.
Nestlé explained that the product is safe to eat if the cooking instructions are followed.
Sa ngayon ang Food and Drug Administration (FDA) nakipag ugnayan saNestlé Philippines' upang boluntaryong ipasuri ang instant noodles.
Ayon sa FDA website inabisuhan na nila ang mga mamimili na dalhin ang anumang produkto na may naturang code na ibalik ito agad-agad sa Nestlé Philippines office at Nestlé Center, 31 Plaza Drive, Rockwell Center in Makati, or to its licensed distributors.
Sa salaysay ng Nestlé sinabi nitong maaring imbestigahan kung anong dahilan ng nasabing kontaminasyon . Sa inisyal na imbestigasyon ang flavor ng instant noodles na nasa loob ng noodles maaring may salmonella. Sa ngayon ay ipinatigil ng Nestlé ang paggagawa ng produkto ng MAGGI noodle habang ito ay iniimbestigahan.
Sa ngayon ang Nestlé ay wala pa naming natatanggap na reklamo tungkol sa bagay na ito. // Arlene P. Mariposque

Last Updated on Friday, 06 May 2011 05:39