Pagod ka na ba sa araw araw na pagbiyahe?
Nagkukulang ba ang budget mo sa meryenda kasama ang mga katrabaho mo? Pati sa pamasahe mo?
Hindi na ba sapat ang oras mo para sa iyong sarili? O sa iyong mga kaibigan? Lalo't higit sa lahat sa iyong pamilya?
Marahil makakatulong sa'yo ang mga nareseach ko..
Una, maaari mong subukan ang sapalagay kong pinakamabuti , pinakamainam at pinakamahusay na work@home sa internet lalo na sa may sentido kumon sa computer. Ang Chacha.com at KGB.com, ito ay parehong “text services” kung saan ang mga tao mula sa ibat-ibang lugar ay nagpapadala ng text message sa company, at ikaw bilang nagtatrabaho sa ganitong position ang magreresearch ng sagot sa mga link na galing din mismo sa database ng kanilang kumpanya. Sa ganitong trabaho na nasa bahay ka lamang, kung masipag at mahusay ka at ang internet connection mo ay mabilis, maari kang sumuweldo ng
Pangalawa, Kung Chacha at KGB ay hindi okay sayong pandinig, pwede mo naman subukan ang mga company na kung saan ay may tinatawag silang “Home Base Call center” katulad ng Convergys at LiveOps. Ang kailangan mo lang ay mayroon kang, computer na may high speed internet, speaker, mic at isang tahimik na lugar. Dahil sa ganitong trabaho, kumakausap ka ng isang customer, katulad din sa mga call centers company, ang pagkakaiba lang, nasa sariling mong tahanan ka sumasagot ng tanong sa mga customer. At dito, malaki din ang kita, maaari kang sumuweldo ng 10,000 pataas.
Pangatlo, Kung ikaw naman ay may interest o hilig sa pagsusulat, maari mong magamit ang iyong talento sa pagsulat sa ibat-ibang website din. Katulad ng calamba.ph. Nagbibigay sila ng oportunidad para sa kaninoman na may kaalaman sa pagsulat o yung mga tinatawag na writer at blogger. Ang gagawin mo lang ay makipag-ugnayan sa kanilang mga websites.
Pang-apat, kung ang klase mo naman ay commentator, maaari ka rin na magtrabaho sa mysurvey.com, myview.com, at greenfieldonline. Maari kang sumagot ng survey ng 2 hanggang 3 survey.pero hindi ganun kalaki ang sweldo kaya hindi rin natin masasabi na ito ay isang primary source ng income.
Pang lima, Ang usong-uso na makikita mo sa mga websites. Ang Pay To Click. Kung ang klase mo naman tao ay matiyaga kang maghintay, pwede say o ang trabahong ito. Ikiclick mo lang ang kanilang mga ads at maghihintay ng 30secs. Counted na sya. Pero katulad ng mga surveys, hindi rin sya primary source of income pero masasabi natin na pwede syang maging extra source ng pera.
Sana ay naktulong sa inyo ang kunting naireseach ko. Sa mga nagtatrabaho na, pwede nyo itong extra income, samantalang sa mga walang trabaho, pwedeng trabaho na rin habang naghihintay kayo ng oportunidad na kayo ay mahired sa inyong pinag-applyan.--Submitted by Ellaine Esguerra

Picture Source: http://dailyonlinework.com
Last Updated on Tuesday, 03 May 2011 09:03
Comments
can [censored] provide more specific details kung panu maging writer d2 sa calamba.ph at kung may mga alam ka pang websites who cater to every jobseeker sa internet?
RSS feed for comments to this post