Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Demolisyon, Nasaan ang Relokasyon?

  • PDF
User Rating: / 4
PoorBest 

   

   

     

Calamba City- Sa ginanap na malawakang demolisyon noong April 27, 2011 , dakong alas 8 pa lang  ng umaga ay  napakarami na ng tao sa kalsada ng Purok 1 Brgy. Parian Calamba City kung saan ito ay naiulat na idedemolish na tinatayang halos nasa (700) pitong daang kabahayan at libong mamamayan ang mawawalan ng matutuluyan ng araw na iyon, sa kabila ng kanilang pagmamakaawa na huwag itong ituloy subalit ganap na alas dos ng hapon ay nagsagawa na nga ng demolisyon, ang ilan duon ay kusang umalis na at ang iba ay patuloy na nakikipaglaban sa kalaunan ay kusa na rin silang umalis na nagdadalamhati sa sinapit nila na ang ilan doon ay nanirahan doon sa loob ng 38 taon ay nagsilbi na itong kanilang tirahan,  kasabay ng pangarap nila para sa kanilang pamilya ay ito ay naglaho na. Isa sa panayam kay Mang Larry Almazan, residente doon sinabi niya na humihingi sila ng awa at habag sa mga nanunungkulan, nagsagawa na sila ng rally upang kahit papaano ay mapansin sila ng pamahalaan at  ayon  pa sa kanya ay wala daw silang relokasyon at saan naman daw sila pupulutin na kalimitan pa sa kanila ay mga mga pamilya at mga anak .

 

Ayon pa sa mga  apektadong residente ay sinubukan nilang humingi ng tulong para sa relokasyon sa ating pamahalaan , nanawagan din sila kahit sa Pangulong Pnoy na sila ay pansinin subalit magpahanggang ngayon ay walang katiyakan kung matutulungan sila ng ating pamahalaan. // Arlene P. Mariposque

 

demo


Last Updated on Thursday, 05 May 2011 16:20

Comments  

 
0#2ace2011-05-03 14:34
di mkatarungan toh.. sna manlang bnigyan mna cla ng mali2patan bgo cla pnaalis s lugar n yun.. palibhasa pnay kagandhan lng s lungsod ang iniisip nla.. pro ung mga taong nwalan ng mti2rahan wla clang pkialam khit wlang mapuntahan.. walang kwentang pama2lakad!!! cla lng ang umaasenso...
Quote
 
 
0#1MANUEL ALER JR2011-05-03 06:20
Tanungin nyo kay Calamba Housing Head Ronaldo de la Cruz, di nagbigay na ng pundo ng Sanggunihang Panglungsod ng Calamba para sa Housing fund, saan bumili relocation ng Calamba housing na lote dito sa Calamba, Alamin nyo sa Calamba Housing. sagutin MANUEL ALER JR. Halang Calamba
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh