Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Pamantayan sa Pagkakaroon ng Traffic Impact Assessment-PART 2

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Ang Traffic Impact Assessment ay marapat na makitaan ng mga sumusunod na impormasyon:

  • Silbi at layunin ng pag-aaral;
  • Pagtutukoy at pagakakakilala sa lugar ng pag-aaral at pagpapaunlad;
  • Pagkakakilanlan ng mga lugar na may pagsisikip sa trapiko, mga lugar na malapit sa aksidente, at iba pang kakulangan sa sistemang transportasyon ng lugar na pag-aaralan;
  • Mga inaasahang malapit sa pauunlaring lugar at iba pang daanan na may kinalaman sa kabuuang pagsikip ng trapiko;
  • Inaasahang daloy ng trapiko at oras ng pagbigat ng daloy ng trapiko ng pinanukalang pag-unlad at proseso ng konstruksyon;
  • Distribusyon ng biyahe at pagtakda ng lugar-trapiko sa sistemang transportasyon;
  • Pagsasagawa ng disenyo ng trapiko ilang taon mula sa implementasyon nito, na siyang tutukuyin ng CPDO o dili kaya ay ng City Engineering Office;
  • Balangkas ng bigat ng trapiko sa karaniwan at lubhang masikip na araw sa isang lansangan;
  • Pagtutukoy sa pagsisikip ng trapiko, problema sa kaligtasan, at iba pang mga kaukulangan sa sistema ng transportasyon;
  • Pagsusuri ng pagbabago sa kalagayan ng pagsasaayos ng lansangan dahil sa pagpapaunlad;
  • Pagpapaunlad at pagsusuri ng potensyal na paraan ng pagpapabuti na kinakailangan sa pagpayapa ng trapiko ayon sa polisiyang itinakda ng estado;
  • Suliranin sa mismong lugar ng proyekto at lokasyon ng daanan, paradahan, daloy ng transportasyon, at iba pang pasilidad;

 

Ang pagkakaroon ng Traffic Impact Assessment o TIA ay sumasagot sa ilang mga suliranin na maaaring kaharapin ng isang bayan o lungsod. Sadyang ginagawa ang TIA upang alamin ang mga kakulangan sa sektor ng transportasyon at ng sistema ng trapiko nang sa gayon ay makagawa ng mga konkretong balangkas kung papaano pagbibigkisin ang mga problemang ito.


Upang magawa ito, kailangang magtakda ng pagpupulong sa pagitan ng debeloper, mga opisyales, representante ng City Planning and Development Office, at mga propesyonal na maghahanda ng TIA. Ilan sa mga suliraning maaaring masagot ng TIA ay ang mga sumusunod:

-Ano ang mga pagbabago sa transportasyon na kinakailangan sa pagkakaroon ng pinagpanibagong pag-papaunlad sa sistema ng trapiko?

-Magkano ang gugugulin sa proyekto at saan manggagaling ang gagastusin rito?

-Ang bagong proyekto ba ay gagawa ng mas malaking pagsisikip sa trapiko, makakaapekto ba ito sa kalapit na panirahan, at papano ito maiiwasan?

-Ang proyekto ba ay makakaapekto sa kaligtasan ng mamamayan o makapagdaragdag ng panibagong pamamaraan sa kaligtasan?

-Makatutulong ba ang balangkas upang mapaigting ang sistema ng pampublikong transportasyon?

-Ang balangkas ng proyekto ba ay mariwasa para sa mga taong tatawid at gagamit ng linya ng bisikleta?

-May sapat ba na paradahan kung sakaling magkakaroon ng proyekto sa pagpapaunlad?

-Ilang linya sa lansangan ang kinakailangan, ano ang disenyo ng lansangan, at may sapat na daanan ba papunta sa paradahan ang kalsadang aayusin?

-Kailangan ba ng sapat na senyales pang-trapiko at ang sirkulasyon ba ng trapiko ay mainam upang pansamantalang maghintay para sa pag-andar ng mga sasakyan sakaling umilaw ang berdeng ilaw sa trapiko?

Hindi limitado sa mga nakasaad sa ibabaw ang mga suliranin na maaaring matanggap ng mga opisyales na siyang maghahanda ng TIA. Gayunpaman, natitiyak na ang TIA ay isang epektibong pamamaraan upang makita ang mga dapat at kailangang gawin sa trapiko at transportasyon.--Jan Michael Jose


street

Add comment


Security code
Refresh