Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: BEWARE OF HEATSTROKE

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

 Summer na naman! At painit na din ng painit ang sikat ng araw.  Kaya masarap na mag-enjoy sa mga swimming pools at  beaches pero sa ganitong panahon  hindi maiiwasan na lumabas din ang ibat-ibang  karamdaman katulad ng bungang araw, tigdas, pagtaas ng dugo at higit sa lahat, ang nakamamatay na heat stroke!


Ano ba ang heat stroke?

Ang  heat stroke ay isang uri ng hypherthermia o ang pagbabago at abnormal na pag-iiba ng temperatura ng isang tao. Ito ay hindi katulad ng heat cramps at heat exhaustion na hindi gaanong malubha. Ang heat stroke ay totoong mahigpit na nangangailangan ng medikal na panlunas, ito ay maaring ikamatay ng sinoman  kapag hindi maayos at tama ang paglapat ng lunas. Ang maaaring  tamaan ng mga ganitong uri ng sakit ay ang mga sanggol at mga bata, ganun din ang mga matatanda na nakakaranas ng mga sakit sa baga, puso at bato o ang sinoman na  umiinon ng mga gamot na maaring maging dahilan upang sila ay mag-dehydrate. Ganun din ang mga manlalaro at ang bawat indibidwal na nagtatrabaho sa labas at sa ilalim ng araw.


Ano ang mga palatandaan o sintomas ng Heat stroke?

  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Pagkahapo
  • Panghihina
  • Pananakit ng  ulo
  • Pananakit ng kasu-kasuan
  • At pagkaliyo

Gayon pa man may mga tao na biglaan at mabilis na kakikitaan ng mga sintomas.  Ang ibat-ibang uri ng tao y nakakaranas ng ibat-ibang palatandaan at sintomas ng Heat stroke.  Ang taong na-heatstroke ay maaring makaramdam o makaranas ng mga sumusunod:

  • Pagtaas ng temperatura na umaabot ng 40 degree celcius
  • Hindi pinagpapawisan
  • Pamumula ng  balat ng katawan
  • Mabilis na pulso
  • Mahirap na paghinga
  • Di maipaliwanag na asal
  • Pagkakaroon ng mga Hallucinations
  • Pagkalito
  • Pagiging iritable
  • Kumbulsyon
  • Coma

 

Paano maiiwasan ang Heat stroke?

Ang pinakamahalagang paraan upang maiwasan ang heat stroke ay ang makaiwas sa dehydration.  Iwasan ang mga pisikal na gawain sa ilalim ng mainit na panahon.  Kung kinakailangan talagang gumawa o magtrabaho sa ilalim na mainit ng araw katulad ng mga manlalaro, traffic law enforcers at iba pa, tiyakin na uminom ng maraming tubig o sports drink, iwasan ang caffeine at tsaa na maaring maging sanhi ng pagkadehydrate.

Magsuot ng nararapat lamang na damit.

Magpunta na lamang sa malalamig na lugar gaya ng mga malls.

Kung may sasakyan at ito ay nakapark sa ilalim na araw, huwag magnatili sa loob nito.


Ito ay isang paalala,  kahit sino ay maaring tamaan ng ganitong sakit.  Kung palagay ninyo ay nakakaramdam na kayo ng mga ganitong sintomas ay magpunta na agad sa malapit na ospital at magpacheck-up sa doktor, huwag natin balewalain. Sabi nga, “Prevention is better than cure”.---Submitted  by Ellaine Esguerra


 

heatstroke

Image Source: http://www.theresourceinnovationgroup.org


Disclaimer: This page is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.Ph


Last Updated on Monday, 18 April 2011 15:36

Add comment


Security code
Refresh